XANDER'S POVBakit kaya simula nung hindi ko masyadong nakakasama Si Zoe feeling ko lagi ko 'syang namimiss.
Parang nagiging weird narin ata ako ah. Para gusto ko lagi ko 'syang kasama at nakikita.
"Gusto ko ba 'sya?! Naku Xander, tigilan mo nga mag'isip ng kung ano-anong bagay. At bestfriend ko 'sya, masisira pagkakaibigan naming dalawa." kausap ko ang aking sarili habang hinihintay kong matapos ang klase ni Zoe.
"Hoy Xander, hinintay mo nanaman ako."
"Diba sabi ko sabay tayo."
"Oo nga pero di mo naman sinabi na hnihintayin mo ako."
"Tara na!"
Hinila ko 'sya saka hinawakan ang kamay 'nya. Di ko rin alam kung bakit ko yun ginawa.
"Xander yung kamay ko!"
Nginitian at lalo kong hinawakan na mahigpit ang kamay 'nya.""Hoy! Ano ka ba! Maraming nakatingin"
"Hayaan mo sila. Magbestfriend naman tayo e."
"Bahala ka nga."
"Zoe, wala ka bang bibilhin bago umuwi? Sasamahan kita."
"Wala Xander, uwi na tayo marami akong gagawin."
"Ok" pinaandar ko na yung kotse. Tahimik 'sya. Bakit ko kasi yun ginawa. Baka galit na 'sya,.
"Zoe, galit ka ba?"
"Hindi, pero bakit mo ba yun ginawa?"
"Wala lang, masama ba yun e bestfriend kita."
"Masama! Kasi bestfriend lang tayo at wala tayong relasyon."
"Affected ka? Miss lang kasi kita Zoe. Ano ka ba?! Sorry na."
Hindi na 'sya nagsalita hanggang sa maihatid ko 'sya sakanila.
"Thanks sa paghatid bestfriend."
"Di ka galit?"
"Nope. Alam naman nating pareho ang totoo. Magbestfriend lang tayo."
"Okay. Sige see you tom Zoe. Daanan kita bukas ha."
Saka ko pinaandar agad ang sasakyan.ZOE'S POV
Nasaan naman na kaya yung aklat ko. Sana naman na'missplace ko lang dito sa kwarto ko. Wala rin kasi sa locker ko sa school e. Saka alam ko hawak ko yun nung sumama ako kay Xander manuod na sine.
Hay, sana lang talaga di ko kilala makapulot nun. Nakakahiya!
Pero bakit kaya parang kakaibang Si Xander kanina sakin.
.
.
.
Bigla kong naisip yung mga napag'sapan namin Ni Jenna kanina."Naku Zoe, wag kang magexpect. Di alam ni Jenna pinagsasasabi 'nya. Magbestfriend lang kayo. Wala ng magbabago dun. Kung mahal mo 'sya sarilinin mo nalang. Wag mo nang sirain ang friendship 'nyo."
Biglang nagsalita Si kuya.
"Hoy Zoe, ang lalim nanaman ng iniisip mo ah."
"Kuya hindi ah, bigla bigla ka nalang sumusulpot ah. Para kang kabute 'dyan!!"
"Hahahah, gwapong kabute ba?!"
"Ay nang'asar pa oh!"
Pumasok si kuya kwarto at naupo sa sofa ko habang ako naman ay nakatayo sa terrace ng kwarto ko.
"Zoe, anu yung usapan sa school kanina na magkaholding hands daw kayo ni Xander. Totoo ba yun?!"
Namula ako sa sinabi ni kuya Liam. Masyadong mabilis ang balita. Lagot ako nito Xander. Bukas ka lang sakin."Naku, kuya hindi naman sa ganun talaga yun. Hinawakan lang 'nya ang kamay para sumunod agad ako sakanya."
"Ah, okay. Narinig ko lang kanina e. Baka akala ko boyfriend mo na 'sya di 'nyo pa sinasabi sa amin nila mama"
"Anu ka ba kuya! Magbestfriend kami. Di 'yun pwede."
"Pwede yun kung pareho 'nyong mahal ang isa't isa."
"Kuya hindi, Magbestfriend lang nga kami. Saka Sabi 'nya sakin may mahal na daw 'sya."
"O, talaga? Sino naman daw?"
"Di pa 'nya sinasabi kuya siguro hindi taga university."
"Ah, kung ako kay Xander liligawan ko na yun para magka'girlfriend na 'sya."
"Wow kuya, ikaw nga walang nililigawan kung makapag'advice ka 'dyan wagas."
"Aba, maloko talaga 'tong isip bata kong kapatid ah."
"Hahaha, diba magkapatid tayo? Sayo ako nagmana kuya."
Sabay lumapit ako sakanya at niyakap ko 'sya."Kuya gusto ko kapag magkaka'boyfriend ako katulad 'nyo ni papa. Mahal na mahal ako."
"Hahaha, oo naman. Magpaligaw ka na kasi. Ang daming nagtatanong sakin kung pwede ka bang ligawan at kung boyfriend mo ba Si Xander e."
"Naku yaan mo sila kuya, dapat ikaw muna magka'love life bago ako."
"Ikaw talaga, hmm sige na matulog ka na."
"Kuya sasabay ako sayo bukas ha."
"Sige. Mag-aral ka na kasi magmaneho para di ka nakikisakay sa amin ni Xander."
"Kuya naman! Goodnight!"
Pati Si kuya Liam nagtatanong na. Buti nalang naniniwala 'sya sa akin. Pero ano kaya ibig 'nyang sabihin kanina.
"Pwede yun kung pareho 'nyong mahal ang isa't isa."
Paano nga eh may mahal na daw 'sya.
Ayaw kong sabihin sakanya na mahal ko 'sya. Importante parin sakin yung friendship namin. Na bestfriend ko 'sya.
Hay ang gulo, sobrang gulo.
[Author's Note]
Thank you for reading :)
My 1st work
* Itinakda ng Tadhana
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?