XANDER'S POVMonday...
May pasok nanaman, ang tagal pa ng bakasyon at maaga ang pasok namin ngayon ni Zoe.
Hinintay ko nalang 'sya sa gate nila.
"Mahal kanina kapa?"
"Hindi naman mahal ko, kakarating ko lang. Tara sakay na."
"Sabay tayong maglunch mamaya sa canteen ha? Namiss ko na kasi yun parang ang tagal na nung kumain tayong magkasama sa canteen."
"Sige. Ililibre kita ng lunch mamaya."
"Talaga mahal? Sabi mo yan ha."
Hanggang makarating kami sa University. At hinatid ko na 'sya sa klase 'nya.
"See you later mahal"
"See you later. Punta ka na sa klase mo.! Takecare."
Then I kissed her on her cheeks.
ZOE'S POV
Sweet naman ng ex bestfriend ko na boyfriend ko na ngayon. Bulong ko habang naglalakad papasok sa classroom. Naupo ako sa tabi ni Jenna.
"Jenna, namiss kita sobra... Sorry ha. Di kita natext."
Super ngiti at yakap ako sakanya. Syempre 'sya naman yung bestfriend kong girl e.
"Namiss din kita Zoe. Kamusta ka na?" super yakap din 'sya saken.
"Ayos naman ako Jenna, ikaw?"
"Ok naman ako. Namiss talaga kita Pati ang kuya mo e."
"Uy, type 'nya Si kuya!!!"
"Hahaha! Saka na yan Zoe. Kamusta kayo ni Xander? Nakita ko ang sweet 'nyo ah."
"Boyfriend ko na 'sya Jenna. Naaalala mo ba yung book ko na nawawala?"
"Oo, Nasaan na ba yun?"
"Naiwan ko pala sa car ni Xander. Tas napulot 'nya nung araw na nakita kong yakap 'sya ni Via."
"Ah talaga? So nabasa 'nya yung nakasulat dun?????"
"Kinikilig ka na Jenna! Hahaha."
"Oo nga e. So ano ginawa 'nya nung nabasa 'nya???????!!"
"Pinuntahan 'nya ako pero that time magulo isip ko dahil sa nakita ko. Feeling nga naawa lang 'sya saken."
"Anong ginawa mo?"
"Wala na akong magagawa kundi umamin sakanya. Hawak 'nya yung aklat e. Tapos kinabukasan dun ako umalis. Kasi gusto ko mapag'isa."
"Hay nag'alala nga ako sayo nung nawala ka e."
"Sorry Jenna ha. Nasaktan kasi ako. Ganun kasi ako talaga kaya di na ako hinahatid ni kuya at Xander."
"Tapos?????! Bilis kwento na bes...."
"Tapos ayun, pagbalik ko nag'uusap na kami ni Xander. Tapos kami na."
"Akalain mo yung inlove pala kayo sa isa't isa."
"Oo nga bes.. Akala ko nga rin galit sina mama at papa sa ginawa ko e"
"Hindi naman sila nagalit diba?"
"Oo hindi, pero wag ko na daw uulitin bes."
"Dapat lang. Masisira pag'aaral mo 'nyan e. Pati Si Xander di nakakapasok nung wala ka."
"Oo nga bes.. Pero di ko alam gagawin ko pag nakita ko Si Via. Di pa kasi 'nya alam na kami na."
"Hay naku bes!!! Hayaan mo nga 'sya!! Ang daming lalaki 'dyan e. Wag lang Si Liam ah. Hehe."
"Uy ha.... Lumalim ata ang pagtingin mo kay kuya ah."
Biglang dumating ang professor namin. Dun narin naputol ang usapan namin ni Jenna.
BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Bestfriend (COMPLETED)
RomanceHanda ka bang isugal ang matagal na pagkakaibigan para lang sa pag-ibig na di mo inasahan o hahayaan mo nalang ang sarili mong nararamdam para sa inyong pagkakaibigan?