Kabanata 16
BUKOD sa pagiging makulit ay hindi din nawala sa dating Razor na nakilala ni Miladel ang pagiging pilyo nito. Katulad na lamang no'ng nangyari kani-kanina lamang habang nasa loob sila ng sasakyan ng lalaki. She remembered how his red lips collided with her lips. Razor gave her a quick kiss, but still, that handsome guy makes sure that it will last.
"Why did you do that?"ani Miladel sa binata matapos siya nitong halikan. Abot hanggang tainga naman ang ngiti ng lalaki nang dahil sa ginawang iyon.
"I told you, I wanted to kiss you!"ngiting-ngiti pa din na sabi ni Razor.
Umiling-iling si Miladel para matanggal sa isipan niya ang nangyari kanina. It's just a kiss. Nothing more, nothing less. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na ano'ng epekto sa halik na iyon ng binata. Oh! Hindi nga ba talaga dapat?
Tinampal ni Miladel ang sariling mukha, tumingin siya sa harapan ng salamin, tinignan ang sariling repleksyon mula doon at saka kinausap ang sarili.
"Ano bang gusto mong mangyari, Miladel?" Nandyan na si Razor, kasama mo at buhay na buhay.
"Bakit parang ayaw mo siyang makasama?" Ayoko!
"Ano bang pumipigil sayo?" Madami, madaming-madami.
"Sabihin mo kung ano? Magsalita ka!" Ayokong umasa na katulad ko ay may nararamdaman din siya sa akin, ayokong umasa na maalala niya lahat ng pinagdaanan namin. 'Yong mga bagay na ginawa naming magkasama. Na kahit sa maikling panahon lang ay alam naming dalawa ni Razor—'yong espiritu na tinulungan ko noon, alam naming dalawa na mahal naming ang isa't-isa.
Hindi namalayan ni Miladel na mayroon na palang mga luha ang kumawala sa kanyang mga mata. "Bakit hindi mo subukan na kilalanin ang Razor ngayon? Kung paano ba ito ngayong nabubuhay pa?" Dapat pa ba?
Matapos ang pagkausap sa sarili na parang isang baliw ay naghilamos lang si Miladel ng kanyang mukha, bago siya pumanhik sa itaas kung saan ang kanyang kuwarto. Katulad no'ng madalas, tuwing pagod ay pabagsak na humiga si Miladel sa kanyang kama.
Marahan niyang hinawakan ang mga labi. Kailangan ko pa bang i-push through itong nararamdaman ko?
***
SUNDAY morning. Maagang nagising si Miladel. Kaagad siyang bumaba upang makapag luto ng almusal para sa kanila ng ina, pero habang nasa may hagdan ay kaagad siyang napahinto nang makita ang isang pamilyar na lalaki.
"Good morning!" todo ngiting sabi nito.
"Razor!" aniya.
"Yeah! The one and only." matapos niyon ay sumimsim ito sa kapeng nasa may harapan.
Nagtataka man ay nagpatuloy na si Miladel mula sa pagbaba ng hagdan. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Maski ako, hindi ko din alam." pabulong na sabi ng lalaki. Ganoon pa man ay hindi nakaligtas sa kanyang pandinig.
"Ha?" nagtatakang sabi naman ni Miladel. Anong pinagsasabi niyang hindi alam?
"Uh! Ang sarap naman ng kapeng 'to!" ani Razor matapos uminom sa mainit na kape. Muli nitong inilapag ang tasa sa ibabaw ng lamesa. Bumaling ulit nang tingin kay Miladel. "I don't know why I'm here. Actually, napadaan lang ako diyan sa tropa ko na nasa kabilang bayan, and since malapit naman na ako dito, naisip kong dumaan na din."
Mayamaya pa ay lumabas mula sa kusina ang ina ni Miladel. Mayroon itong bitbit na plato at naglalaman iyon ng sandwich.
Noong makita siya ng kanyang ina ay ngumiti ito.
"Gising ka na pala, Miladel." wika nito noong makalapit sa kanila. "Ito, Razor, hijo. Kumain ka muna."
Tango naman ang isinagot ni Miladel sa ina. "Magluluto ako ng almusal."
"Hindi na, ako na lang. Ikaw na muna ang bahala kay Razor."
"Sige po, nay." wala namang nagawa si Miladel kung hindi ang maiwan sa sala kasama si Razor. Binuksan niya ang telebisyon gamit ang remote control, saka muling bumaling sa lalaki.
"So kumusta ka naman?" akmang kukuha si Miladel ng sandwich sa platong nandoon noong hawiin ni Razor ang kanyang kamay, saka nito inilayo ang pagkain.
"Hep! Hep!" ani Razor sa kanya. "Mine." sabay turo pa nito sa sandwich na nandoon.
"Grabe ka!" gulat na sabi ni Miladel kay Razor.
"Napaka damot mo naman!" dagdag niya pa.
Tanging pag ngiti naman ang ibinigay ni Razor sa kanya. Isang pilyong ngiti.
"Your mother made this for me. So, meaning to say, this sandwich is mine." sabay tawa na naman ni Razor.
Nakakainis ang mokong!
Sa pagka-inis ay kinuha ni Miladel ang throw pillow at kaagad iyong binato sa lalaki. Pero imbes na matamaan ay mukhang mayroon 'ata itong dugo ni The Flash. Mabilis itong nakaiwas sa bagay na kanyang ibinato.
"Better luck next time." sabay kindat ni Razor sa kanya. And swear to God! When Razor did that? He's so fucking hot! Ang guwapo-guwapo nito! Well, guwapo naman talaga si Razor, at alam ng lalaki ang bagay na iyon.
Maski siya naman ay naguwapuhan din sa binata noong unang kita niya dito. Doon sa may coffee shop. Noong isa palang itong espiritu na pagala-gala.
He was so handsome. Well-defined facial features, clean haircut, tall, 6'1 or 6'2? She's not sure. Mukhang kailangan niya pang sukatin ang tangkad ng binata. Great sense of humor and good taste of clothing.
Katulad na lang ngayon. Nakasuot ito ng plain white shirt at tinernohan ito ng maong na ripped jeans at itim na rubber shoes. Idagdag pa ang nakabaliktad nitong black cap na lalong nagpalakas sa sex appeal ng lalaki.
No wonder kung bakit bet siya ng mga beks noong makita ito ng ilang kakilala malapit sa kanila noong isang araw matapos silang ihatid ng ina.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...