KABANATA 24
"RAZOR, dito ka na matulog at nakainom ka. Delikado kung magmamaneho ka pa ng ganitong oras. Tinawagan ko na ang mama mo kanina at ipinaalam sa kanila," inilapag ng ina ni Miladel ang dalawang baso na naglalaman ng mainit na kape sa harapan nilang dalawa.
Bahagyang tinampal ni Miladel ang mukha ni Razor na ngayon ay nakapikit na.
Magkahalong antok at lasing marahil ang nararamdaman nito.
Sa pag-uusap nila ng binata kanina noong magkasama ay napuyat daw ito dahil may kung anong inayos na dokumento. Idagdag pa na hindi pala ito sanay uminom ng lambanog at pinilit ng mga kababata niya na uminom.
Hindi nagpapigil ang mga ito, walwal kung walwal kung kaya't sa bandang huli ay nagsisigapang itong umuwi sa kanya-kanyang mga bahay.
"Sige na, 'nay, matulog ka na. Ako na bahala sa isang 'to," sabi naman ni Miladel sa kanyang ina.
"Sige. Alagaan mo muna 'yang anak ni Janna at Raven dahil ikaw din ang mananagot dahil pinainom-inom mo pa nang madami," sagot naman ng ina.
"Siya 'yong nakipagwalwalan kila Joshua, pinipigilan ko na, pero mukhang natuwa 'ata sa lambanog at ginawang juice," natatawang sabi naman ni Miladel.
Natawa rin ang kanyang ina. "Sige na. Papasok na ko sa kuwarto at matutulog. Maaga pa kong magbubukas ng tindahan bukas," rinig niyang sabi nito bago naglakad papasok sa may kuwartong katabi ng kanya.
Muling binalingan ni Miladel si Razor at saka tinampal sa pangalawang pagkakataon ang mukha ng binata. "Hoy! Uminom ka muna nitong kape para bahagya kang mahimasmasan."
Imbes na magsalita ay tanging pag-ungol lamang ang isinagot ni Razor sa kanya.
"Jusko! Nakakaloka!" nasabunutan ni Miladel ang sarili. No choice siya kung hindi hayaan na lamang ang binata na matulog.
Mabigat man ay pinilit ni Miladel na hilahin ang binata papunta sa kanyang kuwarto. Hindi naman kasi ito maaring sa sofa matulog sapagkat malamok, bukod doon sa laki ni Razor ay hindi ito kakasya kapag nahiga.
Nang makarating sa loob ay pabagsak na inihiga ni Miladel si Razor sa may kama at ganoon din siya. Bumaling siya ng tingin sa lalaki, katulad kanina ay tulog na tulog pa rin ito.
Hindi naman maiwasan ni Miladel ang mapangiti. "Bakit ba ang guwapo mo pa rin kahit wasted na?" pagkausap niya rito. Bahagya niya pang sinundot-sundot ang pisngi nito gamit ang isang daliri.
Muli ay tanging pag-ungol lang ang isinagot ni Razor. Bahagya pa nitong hinawi ang daliri niyang tumutusok-tusok sa pisngi nito.
"Tsk!" palatak ng binata.
Tinatamad man at gustuhin na rin ni Miladel na matulog ay hindi niya naman magawang pabayaan si Razor.
Lumabas siya ng kuwarto at kumuha ng bimpo at isang balde ng maligamgam na tubig bago muling binalikan ang binata.
Iniayos niya lamang ito ng higa. Tinanggal ni Miladel ang sapatos na suot nito pati na rin ang medyas. Sunod ay isa-isa niyang tinanggal ang pagka butones ng polo ni Razor. Bahagya siyang napalunok. Hindi naman ito ang first time niya na makitang hubad ang lalaki, pero ganoon pa man ay nakaramdam pa rin siya ng kung ano.
"Hot!" ani Miladel nang tuluyang mabuksan ang suot na polo ni Razor. Iniangat niya ang kanang kamay nito upang mahubad ang polo na suot, sunod ay ang kaliwa hanggang sa tuluyan niya iyong matanggal.
Sunod ay kinalas ni Miladel ang sinturon ni Razor at saka iyon itinabi sa may gilid. Binuksan niya ang zipper ng binata, inalis, dahan-dahan na hinila ang pantalon paibaba.
Tanging black boxers at kulay puting hipster brief na Calvin Klein na lamang ang natirang saplot ni Razor sa katawan. Bahagya pa siyang na distract noong madako ang mga mata niya sa naka-umbok na pagkalalaki nito.
Matapos no'n ay inumpisahan ni Miladel na punasan ang katawan ng binata. Binasa lamang niya ang bimpo at hinagod sa matipuno nitong katawan. Nang dahil sa ginawa ay nakaramdam naman ng pagkapresko si Razor. Bahagya rin na ipinaling ni Miladel ang electric fan at tinapat dito.
Noong matapos niyang punasan si Razor ay kumuha si Miladel ng maliit na ipit at saka itinali paitaas ang buhok ng binata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at hindi napigilan ang sarili na halikan ito sa may labi.
"I love you, Razor." mahinang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...