#13
"INGAT po kayo, Tita Janna. " rinig ni Razor na sabi ni Miladel sa kanila ng ina. Todo ngiti pa ang dalaga sa harap ng ginang, pero pasimpleng umismid noong bumaling sa kanyang direksyon.
"Maraming Salamat, hija." Nakangiting sagot naman ng kanyang mama sa dalaga, nagyakapan pa ang mga ito.
"Sa uulitin po." wika naman ni Razor sa ina ni Miladel, saka din nagpasalamat.
"Marissa, Miladel, sa darating na sabado nga pala ay nais namin ni Raven na pumunta sa La Union para mag outing. Gusto ko na sumama kayong dalawa, kaya sana ay i-free niyo na 'yong araw na iyon."
"Oo nga po, Tita Marissa." side comment naman ni Razor pero imbes na sa ginang ay sa anak nitong si Miladel siya nakatingin, Kitang-kita niya naman ang pag lukot ng mukha nito. "I'm expecting you there, Miladel."
"Pag-uusapan na lang naming 'yan ni mama mamaya." sagot naman ng dalaga sa kanya, saka ito humarap sa kanyang mama. "Ingat po ulit."
Nagsimula ng maglakad sina Razor at ang kanyang ina papunta sa kanilang sasakyan, may ilan sa mga kapit-bahay nina Miladel ang nakatingin sa kanila, bakit nga naman hindi kung bago lang sila sa paningin ng mga ito.
Nagkibit balikat na lang si Razor sa mga mapapanuring tingin ng ilang kababaihan sa kanya. Nang makalapit sa sasakyan ay pinagbuksan sila ng driver ng pintuan, hinintay na makaayos ng upo, bago ito bumalik sa drivers seat at paandarin ang sasakyan.
***
MATAPOS mabilang ang pinagbentahan maghapon ay isinara na ni Miladel ang tindahan. Dumiretso siya sa loob ng kanilang bahay, nagluto ng pang hapunan habang ang kanyang ina naman ay nasa loob at nagpapahinga.
Nag prito lang si Miladel ng talong at iginisa ang bagoong na nabile niya sa palengke noong isang araw. Habang ginagawa iyon ay nag saing na din siya ng kanin sa kanilang rice cooker.
Nang maayos at masigurong nakahanda na ang lahat sa lamesa ay dumiretso siya sa kuwarto at tinawag na ang kanyang ina. Naabutan niya itong nakatayo sa harapan ng malaking salamin at mayroong kung ano'ng kinakapa sa bandang ibaba ng dibdib.
"Nay?" pagpukaw ni Miladel sa atensyon nito.
Bumaling ang kanyang ina sa kanya, ngunit patuloy pa din ito sa pagkapa sa ilalim ng dibdib. "Medyo kumikirot 'yong opera ko." reklamo ng ina."Ganon? Hayaan mo nay, punta na lang tayo sa doktor mo bukas, ikunsulta natin." suhestiyon naman ni Miladel.
"Nako, huwag na, gastos na naman." pagtanggi nito. "Nakaluto ka na ba ng hapunan?"
"Yes po, nakaluto na ko nay. Pero bukas magpunta tayo ng doktor, ha? Isip ka na naman nang isip ng gastos, para maresetahan ka na din ng pain killer dahil alam mo naman na fresh pa 'yang opera mo. Sumasakit-sakit pa din."
"Nako! Halika na nga doon at kumain na tayo!"
Sabay na silang lumabas ng kuwarto at nagtungo sa lamesa. Habang kumakain ay napag-usapan na din nilang mag-ina ang imbetasyon nina Marissa at Razor sa kanilang dalawa sa darating na sabado.
"Ano, balak mo ba na pumunta tayo?" tanong ng kanyang ina.
Tinapos lang naman ni Miladel na nguyain ang kanin at ulam na nasa loob ng kanyang bibig, uminom, bago sinagot ang kanyang butihing ina. "Ikaw po ba?"
"Binalik mo lang sa akin 'yong tanong ko, eh." reklamo ng ina, umamba pa ito na parang bibigwasan siya kaya naman naitaas kaagad ni Miladel ang kanyang dalawang kamay, umaktong sasalag.
"Joke lang naman! Kahit ano nay, okay lang sa akin."
"Sige, sumama na tayo. Gusto ko din naman mag relax saka makabonding si Marissa, matagal na panahon na din naman noong huli."
"Okay po." Okay na okay, gusto ko din na maka-bonding si Razor, dahil matagal na din noong huli.
***
"WALA naman akong nakitang hindi maganda sa inyo, misis." sabi ng doktora matapos suriin ang ina ni Miladel. "Dala lang din marahil ng bago pa ang sugat kaya ito kumikirot. For now, reresetahan ko na lang muna kayo ng gamot para sa pananakit, I also suggest na iwasan din ang pagbubuhan ng mabibigat na bagay para hindi makasama o di maging sanhi ng pagbuka ng sugat." nakagiting sabi pa ng sumuring doctor na nag ngangalang Korra.
Kinuha nito ang papel at ballpen na nasa may gilid. May kung ano'ng sinulat doon, isang reseta ng gamot. May iba pang sinasabi ang doktora sa kanyang ina, pero hindi na masyadong pinakinggan pa ni Miladel noong mayroong kung ano ang entity nakakuha ng kanyang atensyon.
Napakunot ang kanyang noo nang dahil sa nakitang isang anino na mabilis dumaan doon sa may gilid. Kaya ayoko talagang nagpupunta dito sa ospital.
"Maraming Salamat po, Doktora Korra." pagpapasalamat ng kanyang ina matapos makuha ang reseta.
"Wala pong anuman," tugon pa ng kausap.
Pagkalabas at pagkasara ng pinto ay muling nagsalita ang ina ni Miladel at tinanong siya."May problema ba anak?"
"Ha?" tanong ni Miladel.
"Ang sabi ko kung may problema ka? Bakit ganyan na naman 'yang mukha mo?"
"Eh, kasi may nasunod sa atin." aniya, ramdam niya ang malamig na hangin sa kanyang likuran, mayroon na namang kung anong entity ang nakasunod. Hay! Hindi ka pa din ba nasanay Miladel.
Lumingon ang kanyang ina sa may likuran, tinignan kung sino ang nakasunod. "Wala naman."
"Mumu!" na marahil ay manghihingi ng tulong.
Pagtango naman ang isinagot ng nanay niya, senyales na naintindihan siya.
"Nagugutom ka na ba?" sabi pa ni Miladel sa kanyang ina na kasalukuyang inilalagay ang resetang binigay ng doktora sa bag nito.
"Hindi naman masyado, pero gusto kong pumunta sa mall na malapit dito.""Sige nay, doon na din tayo kumain tapos isabay na din natin sa supermarket 'yong mga produktong wala na sa tindahan natin."
Ilang minuto lang ang tinagal ng paglalakad ni Miladel kasama ang kanyang ina mula doon sa may ospital papunta sa sakayan ng jeep.
"Oh, kaunting usog lang diyan sa magkabila, mga ate mga kuya." sigaw ng barkero. Bahagya pa nitong pinalo-palo ang likurang bahagi ng sasakyan gamit ang plastic na bote. "Sige na, umusog na kayo para makaandar na."
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...