#6
MATAPOS ikuwento ni Razor ang kanyang naalala ay pabagsak na humiga ito sa kama ni Miladel. Akala mo'y pagod na pagod ito buong araw, samantalang wala naman itong ibang ginawa kung hindi ang tumambay sa kuwarto ni Miladel at hintayin siya.
"Bakit ba kasi hindi ka na lang tumawid papunta sa kabilang buhay?" curious na sabi ni Miladel sa binata.
Bahagyang umiling naman si Razor. "Hindi puwede. Ilang beses ko ng hinanap ang ilaw na magsisilbing daan ko patawid sa kabilang buhay pero hindi ko iyon makita-kita. Maybe because I have unfinished business here. At iyon ang paghahanap kay Jarmaine na witness ng pangyayari at hanapin na rin ang mga taong pumatay sa akin. Sa oras na malaman ko kung bakit nila ako pinatay at mabigyan na ng hustiya ang nangyari sa akin ay saka lang ako makakatawid sa kabilang buhay."
"Pero saan ko naman hahanapin ang babaeng 'yon? Natatandaan mo pa ba ang itsura niya?" tanong naman ni Miladel.
Bahagya namang tumango-tango si Razor. "Oo, natatandaan ko pa naman." sagot nito. Tumayo si Miladel mula sa pagkakaupo sa may kama. Naglakad siya papunta sa may drawer niya at saka kinuha ang kanyang laptop.
Bumalik siya sa may kama at tumabi sa nakahiga pa ring si Razor.
"Grabe, nang i-kuwento ko sa 'yo ngayon ang natatandaan ko'y pakiramdam ko ay binaril at tinamaan na naman ako ng bala." natatawang sabi ni Razor habang hinihimas ang bawat parte ng katawan.
"Hindi na nakapagtatakang namatay ka dahil sa sunod-sunod na pagbaril sa 'yo!" kumento naman ni Miladel sa sinabing iyon ng binata.
Sinimulan niyang buksan ang laptop at saka nag-umpisang magtipa ng password. Nang tuluyan 'yong bumukas ay nag connect siya sa wifi nila na nasa may ibaba at saka binuksan ang google chrome.
"Ano'ng gagawin mo?" bumangon si Razor mula sa pagkakahiga. Naupo ito sa may tabi ni Miladel at tinignan ang ginagawa ng dalaga.
"Uumpisahan na nating hanapin kung sino man ang Jarmaine na 'yon." sagot niya naman sa tanong nito. "Do you know what's her surname?" dagdag pa ni Miladel.
Umiling-iling naman si Razor sabay sabing, "Nope. Hindi ko naitanong." sabi nito.
"Oh, gosh! So, Jarmaine lang ang hahanapin nating pangalan? Sa dami ng Jarmaine sa mundo at iisa-iisahin natin iyon at baka halos taon na ang bilangin ay hindi pa rin natin ito nahahanap!"
"Eh, hindi ko talaga alam. I'm so sorry okay?" nagkakamot ulong sabi ni Razor at saka binigyan ng matamis na ngiti ang dalaga.
'Juice colored! Nagpa-cute pa ang multong ito!' sa isip-isip ni Miladel. She have no choice but to find a way to help him. Para sa isang milyong piso. Para sa kanyang ina na may karamdaman. Wala naman siyang magagawa kung hindi ang maghanap ng paraan para mahanap ang babaeng iyon.
Miladel type the name Jarmaine in the search engine, naghintay lamang siyang ng ilang sandali at saka sunod-sunod na lumabas ang mga taong nagngangalang Jarmaine.
"Ang dami." sabi niya. Halos iba't-ibang tao ang kanyang nakikita na mayroong pangalan na Jarmaine saan mang panig ng bansa. Nagbukas siya ng panibagong tab at saka nag search ulit. "List of the people name Jarmaine in the Philippines." sabi niya habang tinitipa ang mga iyon. Umaasa at nagbabakasali siyang mayroong lumabas.
Nagtingin-tingin lamang siya ng site na may ganoon. Scroll down lang siya ng scroll down. May mga site siyang nakita pero hindi naman gumagana. Puro advertisement lang ang lumalabas kung kaya't naiinis lang siya.
Ipinagpatuloy pa rin ni Miladel ang paghahanap hanggang sa madako ang tingin niya sa isang site na nandoon.
People live in the Philippines. Mayroon itong diamond icon. Nang buksan ni Miladel iyon ay mayroong lumabas na search engine sa gitna, habang sa may gilid naman ay nandoon ang iba't-ibang probinsya sa Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...