KABANATA 7

16.5K 325 13
                                    

#7

NAGISING si Miladel sa pagtama nang sikat ng araw na nanggaling sa may labas ng bintana. Naghikab siya at sinubukang mag unat noong mapansin ang brasong nakadantay sa kanyang beywang. Noong bumaling siya at mag angat nang tingin ay nakita niya ang binatang si Razor na nakangisi sa kanya.

"Good morning." nakangiting sabi nito.

"Morning." ganting bati naman ni Miladel sa binata. Muli ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at dinama ang hangin na nanggagaling sa may electric fan.

"Inaantok ka pa?" rinig niyang sabi ni Razor.

"Hindi naman, tinatamad pa lang akong bumangon." sagot niya naman sa binata.

"Kunsabagay, pag ako talaga ang katabi, kahit na sinong babae ay tatamarin na bumangon." may pagyayabang na sabi naman ni Razor sa kanya.

Hinampas naman ni Miladel ang dibdib ni Razor nang dahil sa sinabi nito. "Ang kapal mo naman!"

"Biro lang." natatawang sabi ni Razor at saka siya mas lalong hinapit.

Napahagikgik din si Miladel. "Biro your face!" inilagay niya ang kanyang kamay sa mukha ng binata at saka ito itinulak palayo sa kanya.

"Ano'ng oras na pala! Hindi mo man lang ako ginising, baka mahuli ako sa trabaho." sabi ni Miladel kay Razor. Tumayo na siya at inayos ang sarili. Kinuha lamang niya ang ipit na nakalagay sa kanyang kamay, at saka iyon ginamit upang ipantali sa kanyang buhok.

"Ang sarap mo kasing titigan, ang ganda mo pala no?" seryosong sabi ni Razor sa kanya. Nagtama pa ang kanilang paningin kung kaya't nakita na naman ni Miladel ang kulay tsokolate nitong mga mata. Bigla ay lumakas na naman ang kabog ng kanyang puso, hindi na ata normal sa tuwing nagkakatitigan sila ni Razor.

"Matagal na kaya, ngayon mo lang nalaman?" pagbibiro niya naman dito. "Teka nga at maiwan na muna kita diyan, Razor. Kailangan ko ng mag-ayos at pumasok sa trabaho." dagdag na sabi pa ni Miladel.

"Sige lang." sagot naman ni Razor sa kanya. Tumalikod na siya sa binata at saka kinuha ang tuwalya na nasa likuran ng pinto bago tuluyang lumabas ng kuwarto. Noong bumaba ay naabutan ni Miladel ang tiyahin na nasa may sala. Gaya ng nakagawian ay nakahilata ito doon habang nanunuod sa may portable DVD player na nasa harapan nito.

"Ano naman ho 'yang pinapanuod mo ngayon?" tanong ni Miladel. Dumiretso siya sa may lababo at saka kinuha ang toothbrush niyang nandoon sa may gilid.

"Natural tungkol pa rin sa mga multo." humahagikgik na sabi ng kanyang tiyahin.

"Title?" tanong niya naman. Kahit kailan ay hindi na nagsawa ang kanyang Tiya Janice sa mga paranormal na palabas.

"Oh my ghost." walang lingon na sabi ng kanyang tiyahin at nakatuon pa rin ang atensyon sa pinapanuod.

"Nang Korea?" tanong ni Miladel dito. Nilagyan niya ng toothpaste ang kanyang toothbrush.

"Hindi. Natapos ko na 'yon noong nakaraang linggo pa. Oh my ghost naman 'to ng Thailand, movie, horror at comedy."

"Sinong gumanap?" binuksan ni Miladel ang gripo at saka bahagyang binasa ang kanyang sipilyo.

"'Bida dito 'yong teacher nila Mario Maurer sa Crazy little thing called love."

"Ah, I see." sabi naman ni Miladel at tumango tango pa. Inumpisahan niya ng linisin ang kanyang ngipin.

"Nakakatuwa talaga pagka ganitong nakakakita ng multo. Ikaw kasi may kakayahan ka tapos ayaw mo namang gamitin. Eh, di sana--"

Bago pa matapos ang sasabihin ng tiyahin ay ibinuga ni Miladel ang bula na nasa kanyang bibig at saka itinuloy ay sasabihin ng tiyahin. "Eh, di sana mayaman na tayo!"

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon