KABANATA 31

10.4K 197 19
                                    

KABANATA 31

BUSY si Miladel sa paglalaro sa kanyang cell phone. Kasalukuyan siyang bantay sa sari-sari store nila dahil wala ang kanyang ina at pumunta sa bayan. Mayroon daw itong kung anong aasikasuhin kaya't heto siya at mag-isa lang.

"Pagbilhan po." sabi ng isang baritonong boses. Rinig din ni Miladel ang pag katok nito sa rehas na siyang harang gamit ang barya.

"Ano 'yon?" walang lingon na sabi niya naman. Busy siya sa paglalaro ng temple run at malapit na siyang maabutan ng humahabol na halimaw.

"Yong puso mo." kaagad na napatigil si Miladel sa ginagawang paglalaro at nabaling ang tingin sa harapan ng tindahan.

Ganoon na lang ang pagtalon ng puso niya noong makita ang isang guwapong lalaki na nakadungaw doon. Tatawa-tawa pa ito habang nakatitig sa kanya.

"Razor!" usal niya sa pangalan ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?"

"Binibisita ka." sabay kindat pa ng binata sa kanya.

"Tara dito sa loob—teka sandali!" Tumayo si Miladel, at saka lumabas sa tindahan papunta sa kanilang sala na siyang konektado hanggang sa marating ang pintuan at buksan iyon.

"San si tita?" ani Razor noong makapasok sa loob ng bahay.

Hinubad nito ang sapatos na suot at itinabi doon sa may gilid. Sa likuran ng pinto.

Habang ginagawa iyon ay hindi mapigilan ni Miladel ang pagmasdan ang binata. Hindi ito mukhang malinis ngayon.

He looks rugged. He had a mustache and goatee. Razor was dressed in a white muscle tee that's why she can see his broad shoulders. His bottom was gray jogger pants, and gosh! She can't help herself but have a second look because of his bulge.

Nakabakat iyon! Umiling siya. Binaling na lang muli ang atensyon sa mukha ng lalaki.

"Bakit hindi ka nag-ahit?" tanong niya kay Razor.

Marahan naman nitong hinaplos-haplos ang bigote. "Wala lang. Bakit?"

"Ang dumi mo kasing tignan ngayon. Pero don't get me wrong, huh? In a good way naman."

Lumapit si Razor sa kanya at saka awtomatikong pumulupot ang mga braso nito sa kanyang beywang. "Mas lalo pang naging guwapo?"

"Yeah! Di ka lang nga mukhang mabango." natatawang sabi niya sa lalaki.

Tumaas naman ang kanang kilay ni Razor. "Mabango kaya ako. Amuyin mo pa!" kinabig siya nito papalapit at niyakap. Napayakap na lang din si Miladel sa matipuno nitong katawan.

Hindi na din niya pina lagpas pa ang pagkakataon na amuyin nga ang lalaki. Katulad nang madalas ay ganoon pa din ang amoy ni Razor. Mabango. Manly.

"Oo na mabango ka na." mahinang sabi ni Miladel habang isinubsob pa ang mukha sa dibdib ng binata. Mas lalo niya pang inamoy si Razor, at syempre dinama ang masarap nitong yakap. Pakiramdam niya ay safe na safe talaga siya sa mga bisig ng lalaki.

Ilang saglit din silang ganoon na dalawa. Magkayap at dinadama ang katawan ng bawat isa. Mayamaya pa ay lumayo nang bahagya si Razor.

"Kumain ka na ba?" tanong nito.

"Oo, ikaw ba? Hindi ka pa kumain no? Anong gusto mo?" sunod-sunod na tanong niya. Pag iling naman ang isinagot ni Razor. "Ipagluluto kita."

"Totoo?" bakas sa tono ni Razor ang saya noong marinig nito na sabihin niyang ipagluluto ang binata ng pagkain.

"Oo. Pero ikaw muna magbantay ng tindahan." sabay tawa niya pa.

"Okay lang. Pero huwag kang magugulat kapag ubos na ang ibang paninda dahil kinain ko, huh?"

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon