KABANATA 18

7K 165 3
                                    

Kabanata 18

VIGAN, ILOCOS SUR

PAGKAPASOK pa lang sa loob ng Ranch Café ay naamoy kaagad ni Miladel ang mabangong aroma ng pinaghalong tinapay at brewed coffee. It feels relaxing. How Miladel wishes that she bring one of her favorite books. Parang trip niyang maupo doon sa may couch na malapit sa may bintana, humigop ng mainit na kape habang nagbabasa.

Snap! "Day dreaming?" ani Razor na muling nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad.

​"Nakapunta ka na ba dito?" tanong ni Miladel kay Razor. Nagsimulang maglakad ang una na sinundan naman ng pangalawa. Tinignan nito ang iba't-ibang pastry na nandoon. Iba't-ibang kulay, hugis at flavor ng mga cake. Mayroon ding mga tinapay na ngayon pa lang niya nakita sa tanang buhay.

​Tumango naman ito at saka nagsalita. "Yes, I go here when I need something from the owner."

Naningkit naman bigla ang mga mata ni Miladel. Ano daw? If he needs something from the owner?

​"Hey! I know what you are thinking!" sabay pitik pa ni Razor sa noo niya.

​Lukot ang mukha naman na sumunod dito si Miladel. Naupo silang dalawa ni Razor sa puwesto gusto niya. Sa tapat ng bintana kung saan kitang-kita ang magandang tanawin sa labas.

"Here!" inabot ng lalaki ang menu sa kanya.

"Piliin mo lahat ng gusto mo, my treat."

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ni Miladel.

"Naman! Syempre, dapat lalaki ang gumagastos kapag nasa date."

"Date?" she paused for a while. "Tama ba ang rinig ko?" dagdag niya pa. Napagsalikop ni Miladel ang kanyang mga kamay. Tila pinipigilan ang kilig na nararamdaman. Akala ko ba gusto lang niyang makabawi? Never thought that for him, this was already a date.

"Yeah! Date. Dalawa tayo," sabay turo ni Razor sa kanya at sa sarili nito.

Ang isipin na date na nga para sa binata ang ginagawa nila ngayon ay parang kinikiliti ng kung ano ang tiyan ni Miladel.

​"Here's the menu, Miladel."

​"Thanks." aniya, matapos abutin ang menu na binigay ni Razor. Nakita niyang namile na ang lalaki, siya naman ay inilibot pa din ang panigin sa kabuuan ng Ranch Café. Amaze na amaze pa din si Miladel sa magandang ambiance ng nasabing lugar.

​"You know what Razor? This place was—"

​"Beautiful? Wonderful? Amazing?" napalingon siya sa lalaking dumating na pumutol sa kanyang sasabihin.

Nakita ni Miladel ang isang lalaki na nakatayo ngayon sa kanilang tabi. He was a good looking guy. Tall and lean in a chef uniform, perhaps he was 6 footer man like Razor. Ang linis nitong tignan sa damit na suot at mukhang ang bango-bango pa. Malakas ang sex appeal pero mukhang playboy. Nakadadag din sa kaguwapuhan nito ang ahit sa kaliwang kilay na mukhang natural na.

​Nabalik lang si Miladel sa kanyang ulirat noong marahas na ibagsak ni Razor ang menu.

"Hey! You are drooling." Sabi pa nito sa kanya.

​"Hindi, ah!" pag tangi naman niya. Napaka!

​"Mad?" pagkausap ng estrangherong lalaki kay Razor. "Not my fault for being so handsome."

​"Oks." masungit na sabi ni Razor sa lalaki.

​"So, what brings you here? Puwede ka na bang bumiyahe ng malayo-layo? At sino naman itong kasama mong magandang babae?" tinapunan pa siya nang tingin ng lalaki. Hindi tuloy maiwasan ni Miladel ang makaramdam ng pagka-ilang nang dahil doon.

​"Huwag ka nga, Ranch. Ilang oras lang ang biyahe mula sa Galimuyod hanggang dito sa Vigan." Nag fist bump ang dalawang lalaki.
Ano daw? Ranch? So ito ang may-air ng Café?

​"By the way, she's Miladel." pagpapakilala ni Razor sa kanya. "Miladel, siya naman si Ranch. Pinsan ko."

​"Ah, hello, Ranch. Nice to meet you!" nakangiting bati naman ni Miladel sa lalaki at nakipag kamay din dito.

​"Nice to meet you too, Miladel. Hope you will enjoy the food here. You must try our best seller. Double chocolate croissant, perfect partner ng brewed coffee."

​"Sure, I will try." nakangiting sabi naman ni Miladel kay Ranch. Bumaling ang pangalawa kay Razor matapos kausapin ang una.

"Siya nga pala, Razor. Na sa inyo daw ngayon si Pilgrim? I-kumusta mo ako sa loko."

"Noted." sagot naman ni Razor dito. Gusto pa sana silang makakuwentuhan ni Ranch, pero masyadong madami ang tao sa Café noong araw din na 'yon, kung kaya naman kinailangan din na bumalik agad ng lalaki sa loob.

Nagpaalam na ito at saka naglakad palayo, pero sandali ding huminto, bumaling nang tingin kay Razor. "Magtino ka na, Jan Razor, ha! She's nice. Good catch, 'wag mo na pakawalan 'yan."

***

NAPATINGIN si Miladel sa kamay nilang dalawa ni Razor na magkahawak. Hindi niya maiwasang mapangiti. Agad na sumagi sa isipan niya noong gabi na papunta silang dalawa no'n sa may 7/11 para bumile ng pagkain.

Naging abnormal na naman ang tibok ng puso ni Miladel. Bigla ay lumakas ang kabog nito. Naisip niya na ang lalaking kasama ngayon ay hindi pa rin nagbago. Ito pa rin ang lalaking mahal niya kahit na hindi siya nito naaalala.

Sumunod lamang si Miladel sa ginagawang paghila sa kanya ni Razor, hindi siya umimik at hinayaan lang ito. Sa muling paghinto nila ay namangha na naman si Miladel. Napaka ganda ng buong lugar, tila ba nasa panahon sila ng mga Kastila. Kung dati ang sa internet niya lang nakikita ang lugar ng Vigan, ngayon ay nandito na siya.

​"Tara doon tayo." yakag ni Razor sa kanya, hindi pa din binibitiwan ang kanyang kamay.
​Hindi naman umimik si Miladel at nagpatianod lang sa lalaki. Nagsimula silang maglakad sa kahabaan ng Calle Crisologo.

​"This street was the main attraction here in Vigan." pagpapaliwanag naman ni Razor sa kanya habang patuloy pa din sila sa paglalakad. Inilibot ni Miladel ang kanyang paningin habang si Razor naman ay patuloy lang sa pagbibigay ng trivia sa kanya.

​"Naks, naman! Kabisado mo na ba 'tong lugar? Ang lakas mong maka-tour guide." pabibiro ni Miladel.

​Ngumiti naman si Razor. "Sort of. Si Ranch talaga ang pinaka maalam dito, medyo hindi lang good timing ang punta natin dahil busy ang loko. Pero I assure you, I know some places here na magugustuhan mo."

​Hinampas ni Miladel ang matipunong braso ni Razor. "Siguraduhin mong mag-eenjoy ako, huh?"

​"Oo naman, 'no!" kumpiyansang sabi ng lalaki.

​Hindi naman na umimik pa si Miladel. Patuloy pa din silang naglakad ni Razor sa kahabaan ng nasabing Calle. He also mentioned to her that the said street is also called The Heritage Village.

Inilibot ni Miladel ang kanyang paningin. She looked everywhere. The place was filled with Spanish style houses, medyo may kalumaan na dala na din ng sa mahabang panahon noong maitayo ang mga ito. Ang sabi ni Razor ay nire-repair na lang daw ng ibang may-ari ang bahay upang mapanatili ang orihinal na itsura nito. "You know? Natural and man-made calamities."

​"Hmm, I see, but still ang ganda pa din ng lugar." manghang sagot naman ni Miladel. Inilabas niya ang kanyang cell phone mula sa kanyang bulsa, kinuhanan ng litrato ang magagandang paligid, pati na din ang mga bagay na maganda sa paningin niya.

Razor also took his cell phone. "Kuhanan kita!"

​"Sige-sige. Gusto ko 'yan." masayang sabi ni Miladel. Nag pose lang siya ng kung anu-ano. Inagaw din niya ang cell phone na pagmamay-ari ng lalaki at kinuhanan din ito ng litrato. Sinubukan din nilang makisuyo sa ibang turista na nandoon para kuhanan sila ng litratong magkasama.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon