#4
PAGBAGSAK na humiga si Miladel sa kanyang kama. Wala na sa kuwarto ang binata, pero naroon pa rin ito sa kanyang isipan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang alaala ang ginawa nito kanina lamang. How he kissed her neck and gently sucking it. His hands that caressing her breasts. Ramdam na ramdam niya pa rin ang mga ginawa nito.
She don't know what happened to her earlier. Kahit na anong pagtanggi ng isipan niya sa ginagawa ng binata kanina ay tila iba naman ang sinasabi ng kanyang katawan. Her body was more honest. Para bang gustong-gusto nito ang mga nangyayari. His lips. His touch. She is craving for something... something na siya mismo ay hindi niya maipaliwanag.
Bahagyang ipinilig ni Miladel ang kanyang ulo upang maalis sa kanyang isipan ang nangyari kanina. Kaagad niyang kinuha ang cell phone na nasa may gilid niya at saka nagtext sa kanyang ina. Muli ay ipinikit niya ang mga mata at sinubukang matulog ngunit hindi niya na magawa pa.
Napagdesisyonan ni Miladel bumangon na lamang sa kama. Bumaba siya sa sala at doon ay nakita niya ang kanyang Tiya Janice na kasalukuyang nakaupo sa sofa, habang kumain ng Nova at nakaharap sa may telebisyon. Nang mapansin siya ng tiyahin ay kaagad itong nagsalita.
"Bakit ang aga mong bumangon? Hindi ba't mamaya pang alas otso ang pasok mo?" takang sabi nito sa kanya. Tumingin naman si Miladel sa orasan ng kanyang cell phone. Alas kuwatro pa lamang ng umaga.
"Hindi na kasi ako makatulog." sagot naman ni Miladel. Naglakad siya palapit sa puwesto ng kanyang tiyahin at saka naupo sa may tabi nito. "Ghost na naman?" kunot ang noo na sabi niya pa pagkakita sa pinapanuod nito.
Mahinang tumawa naman ang kanyang tiyahin. "Alam mo namang paborito ko ang palabas na 'yan." sabay kain nito sa Nova. Dahil wala namang gagawin ay naki-nuod na rin si Miladel ng palabas habang nagkukuwentuhan sila ng kanyang Tiyahin.
Mula sa kalagitnaan ng panunuod ay tumunog ang cell phone ni Miladel, senyales na mayroong tumatawag.
"Sino 'yan?" tanong ng kanyang tiya.
"Si Inay." sagot naman ni Miladel. Lumayo muna siya at nagpunta sa sala bago tuluyang sinagot ang tawag.
"Miladel, anak." bungad na sabi ng kanyang Ina sa kabilang linya.
"Nay!" sagot naman ni Miladel. "Ano'ng nangyari? Nasabi niyo na ba kay Mang Erning ang pinapasabi ko?" tanong niya.
"Anak, wala na si Mang Erning dito sa baryo natin, matagal na itong umalis, ang balita ay kinuha na daw ito ng anak na nasa ibang bansa." sagot ng kanyang Ina.
Kaagad nanlumo si Miladel nang dahil doon. Kung wala na sa baryo nila si Mang Erning at nasa ibang bansa na ito ay paano siyang makakahanap ng kapalit sa itim na chain na nasira? Paniguradong magpapasukan ang mga multo sa kanilang bahay at gagambalain siya.
'Lalo na si Razor!' hiyaw ng kanyang isipan.
"Bakit ba anak? May nangyari ba?" tanong ng ina.
Bahagya namang umiling-iling si Miladel kahit na hindi siya nito nakikita. "Wala. Wala naman po." sagot niya naman. Hindi na niya sinabi pa sa ina ang tungkol sa nangyaring pagkasira ng itim na chaim, pati na rin sa kanyang Tiya Janice. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kanya.
"Oo nga pala, anak. Puwede bang makapagpadala ka ng pera?" biglang sabi ng kanyang ina. "Ayoko na sanang sabihin sa iyo 'to para hindi ka mag-alala pero kasi..." narinig ni Miladel ang paghikbi ng ina, ilang sandali pa'y tuluyan na itong napahagulgol.
"Miladel, anak, kailangan na daw matanggal no'ng bukol sa dibdib ko, ang sabi ng doktor, may posibilidad daw na mapunta ito sa cancer, kung kaya't kailangan na matanggal kaagad bago pa lumala. Habang tumatagal ay mas lalong tumataas ang tyansa mapunta doon. Kailangan daw ma-operahan sa lalong madaling panahon." wika pa ng ina sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...