The Flashback

9.3K 223 51
                                    

KABANATA 32

"What-the-heck!" bulalas niya, hindi makapaniwala. "This is mine, how come na napunta ito rito?" puno ng pagtataka na tanong ni Razor sa kanyang sarili.

Hindi siya maaring magkamali. Pag-aari niya ang bagay na hawak, sapagkat ipinasadiya niya pa iyon sa isang kaibigan noong minsan na magpunta siya sa California. Nag-iisa lang ang bagay na iyon.

Habang nasa biyahe ay nakaramdam si Razor ng pananakit ng kanyang ulo. Inihinto muna niya ang sasakyan sa may gilid upang sa ganoon ay hindi maaksidente.

Mula sa may bulsa ay kinuha niyang muli ang kuwintas, mahigpit niya itong hinawakan hanggang sa may kung ano'ng mga alaala ang bigla na lamang nag-flashback sa kanyang isipan.

Napahawak si Razor sa kanyang ulo. Katulad nang madalas na ginagawa sa tuwing sumasakit ito ay marahan niya itong minasahe.

Gamit ang dalawang hintuturo ay ipinaikot niya ang mga ito sa magkabilang sentido habang nakapikit ang mga mata.

Katulad nang dati ay malabo pa rin ang mukha ng babaeng kausap, pero ganoon pa man ay malinaw pa rin ang lugar kung nasaan sila at pati na rin ang mga sinasabi nito.

"Ugh! The heck!" mahinang usal ni Razor. Nag inhale-exhale siya. Pinilit na ikinalma ang sarili.

Ilang sandali pa ay mayroon na namang kung ano'ng eksena ang biglang nag-flashback sa kanya.

Ang kaninang malabong alaala ay unti-unti nang lumilinaw ngayon. Hindi na makahinga pa si Razor kung kaya't binuksan niya ang bintana ng sasakyan upang makapasok ang hangin.

Ganoon pa man ay hindi pa siya nakuntento. Tuluyan niya ng binuksan ang pinto, at saka dali-daling lumabas ng kotse.

Muli ay napahawak si Razor sa kanyang ulo. Pakiramdam niya ay umiikot ang buong paligid. Hindi niya mawari ang nararamdaman. Para siyang nahihilo at nasusuka.

Napaupo siya sa kalsada at isinandal ang likurang bahagi sa kanyang sasakyan.

"AAAH!" malakas na sigaw ni Razor. Ang pananakit na nararamdaman ng kanyang ulo kanina ay parang mas lalo pang dumoble ngayon. Pinagpapawisan na siya ng malagkit. Nanlalamig na rin ang kanyang mga kamay.

Nabitiwan niya na ang kuwintas at halos masabunutan na ang sarili. Ang kanyang mga mata ay naluluha na senyales ng napakatinding sakit.

Kaagad na bumagsak si Razor at napahiga sa kalsada. Pumasok sa kanyang alaaala ang lahat-lahat. Ang flashback na dating napapanuod lamang niya sa mga pelikula o telebisyon ay siyang nararanasan niya ngayon.

"Oh, Miladel," tanging nasambit niya.

***

"RAZOR, itabi mo na lang diyan sa may gilid. Saglit lang naman ako at kaunti lang ang kailangan bilhin." nabalik na lamang si Razor sa kasalukuyan noong marinig ang sinabing iyon ng kanyang ina.

Katulad nang sinabi nito ay sinunod nga iyon ni Razor. Inihinto niya ang sasakyan doon sa may gilid ng simbahan na malapit lamang sa talipapa.

Kanina ay kulang ang sangkap ng kanyang ina para sa mga lulutuin nito. Dahil day off ang kanilang personal driver ay sa kanya na lang ito nagpasama para bumili sa pamilihan.

"Sinabihan mo na ba ang Tita Marisa mo?" rinig niya pang sabi ng ina.

Marahan naman ang naging pagtango ni Razor. "Yeah! I texted Miladel last night. Sinabi ko na susunduin ko sila ni Tita Marisa since you want to have a mini reunion kasama ang ilan sa mga kaklase niyo noon."

"Very good, hijo." masayang sabi nito.

Noong maayos na makaparada si Razor ay kaagad ng bumaba ang kanyang ina. Bahagya niya itong sinundan ng tingin hanggang sa makatawid ito sa kabilang dako kung saan ang pamilihan.

Mula sa drawer sa gilid malapit sa manibela ay binuksan iyon ni Razor, at saka kinuha ang itim na kuwintas na kanyang pag-aari. Mabilis siyang bumaba ng kotse at saka dali-daling tinunggo ang loob ng simbahan.

Pagkapasok niya doon ay walang gaanong tao. Tahimik ang buong lugar, kung saan ang iilan doon ay payapang nakaluhod at nagdadasal.

Naipikit ni Razor ang kanyang mga mata at saka humingi ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang kanyang natanggap nitong mga nakaraan. Lalo na ang muling pagbalik ng mahalagang bagay para sa kanya. Ang kanyang alaala.

Matapos no'n ay nagtunggo si Razor sa gilid ng simbahan at binaybay ang daan na iyon hanggang sa makarating siya sa likurang bahagi nito.

Doon ay tumambad sa kanya ang isang malawak na kapaligiran, puno ng kulay luntian na mga halaman ang buong paligid. Naramdaman ni Razor ang preskong hangin na dumampi sa kanyang mukha.

Bumaling si Razor doon sa malaki at matandang puno. Dahan-dahan siyang naglakad palapit doon. Lumuhod siya at saka nag-umpisang maghukay gamit ang kanyang mga kamay. Ilang sandali lamang ay natagpuan niya na ang bagay na hinahanap. Ang isang hindi kalakihang kahon.

Noong tuluyan na mahugot mula sa pagkakabaon ay naupo si Razor sa tabi ng puno, habang ang kahon ay ipinatong niya sa kanyang mga hita. Mula sa bulsa ay kinuha niya ang kuwintas na siyang nagsisilbing susi niyon upang mabuksan.

Pagkabukas ni Razor ay nakita niyang wala na itong laman na pera. Imbes na magulat ay napangiti siya.

"Nakuha na nga ni Miladel ang premyong para sa kanya," masayang sabi niya.

Mula sa loob ng kahon ay kinuha ni Razor ang kapirasong papel na nakita niya. Binuksan niya ito at mas lalong lumapad ang ngiti niya nang dahil sa nabasang sulat. Base sa nakasaad doon, sulat kamay ito ni Miladel at waring humihiling na sana ay makaalala na siya.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon