Night Changes - 00

37.3K 666 6
                                    

PASURAY-SURAY na naglakad palabas sa isang beer house na yari sa kawayan ang bakuran at mayroong mga kubo sa loob, ang grupo ng mga kabataan na pawang lahat ay nasa kolehiyo pa lamang.

Nakasuot pa ang mga ito ng uniporme sa pinapasukang eskuwelahan at hindi na mga nag-abala pang umuwi upang magpalit.

Mabagal ang apat na lalaki at dalawang babae na naglakad hanggang sa makarating sa isang Audi R8 na kulay itim.

"Are you sure you can drive?" maarteng wika ng isang babae na sobrang puti ang mukha, nang dahil sa dami ng face powder na inilagay doon.

Ngumisi naman ang lalaking sinabihan nito.

"Oo naman. What are you thinking of me?" bahagya nitong tinapik ang kanang bulsa kung saan nandoon nakalagay ang wallet nito. "I have a professional license."

"What she's trying to say is you're drunk. We are drunk pare." maagap na tugon naman ng isang lalaki na kulay blonde ang buhok, habang alalay nito sa kabilang balikat ang isa pa nilang kasamahan na lalaki.

"Oo nga, Roxas. Mag check in na lang kaya tayo sa pinaka malapit na hotel dito?" side comment naman ng isa pang babae. Matapos niyon ay malanding napahagikgik pa dahil sa pag halik at pag singhot ng kasintahan na nakayapos dito.

"So what? Wala naman ng huhuli sa atin ng ganitong oras. Saka hindi tayo dadaan sa mga check point so don't worry guys." muling saad ng lalaki, saka naunang pumasok sa loob ng sasakyan.

Wala na ding nagawa ang iba pang mga kasamahan kung hindi ang sumunod sa gusto ng binata.

Binuhay na nito ang makina ng sasakyan saka nagsimulang paandarin ang kotse. Habang nasa biyahe ay masaya silang nagkuwentuhan ng kung anu-ano. Nawala na sa kanilang mga isip ang hilo dala ng alak, bagkus ay napalitan ng kulitan at mga tawanan.

"Roxas, mukhang may check point!" napatigil silang lahat at napaayos ng upo noong mapansin ang ilang sasakyan ng pulis ilang kilometro na lang ang layo mula sa kanila.

"The heck!" usal naman ng lalaking nagngangalang Roxas na siyang nagmamaneho.

"Ano? Akala ko ba walang huhuli sa atin? Akala ko ba walang check point ng ganitong oras?"

"Shut up, Kara! Para kang puwet ng manok." muling saad pa ni Roxas. "Ililiko ko na lang ang sasakyan."

Akmang kakabig na ito pakabila pero mayroon namang isang ten wheeler truck ang dumaan mula sa kabilang direksyon. Malakas pa itong bumusina sa kanila dahilan kung kaya't hindi na nagawa pang lumiko.

"Shit!"

"Tang ina!" halos sabay na mura ng ilan sa kanila.

Hindi na sila maari pang makabuwelta dahil mayroon na ding ilang mga sasakyan ang nasa kanilang likuran. Kung hindi sila aandar pasulong at hihintayin pa na makalagpas ang truck ay paniguradong magkakaroon ng komosyon, mag-uumpisa ang trapik.

Mas lalo silang mapupuna ng mga pulis. Paniguradong madadagdagan pa ang kanilang magiging kaso bukod sa pagmamaneho ng nakainom at overloaded na pasahero.

Nagsimulang mag panic ang mga nasa loob. Hindi na nila alam ang kanilang gagawin. Nasisiguro nila na mayayari silang lahat sa kanya-kanyang magulang kapag nagkataon.

Napailing ang binatang nagmamaneho noong mag-umpisang bumusina ang sasakyan na nasa likuran. Wala na itong nagawa kundi kumabig muli pakanan at magpatuloy sa tinatahak na daan.

Habang papalapit nang papalapit sa sasakyan ng mga pulis ay siya namang lakas ng pagkabog ng dibdib ng mga kabataan.

Nang sa wakas ay makalapit. Nakita nila ang linyang, Police line do not cross.

May isang pulis na nasa labas ang umasiste sa kanila. Sumenyas lang ito kung saang gawi sila dapat dumaan. Hindi naman pala check point iyon, bagkus ay mayroong aksidenteng nangyari.

Lahat silang barkada ay napabaling sa gawing kanan ng bintana at nakita ang isang kulay asul na sports car doon.

Sa labas ay mayroong nakahandusay na katawan ng isang lalaki at mayroon pang umagos na dugo sa paligid.

Nang makalagpas sa pinangyarihan ng krimen ay mabilis ng pinaandar ni Roxas ang sasakyan.

"Ano kayang nangyari doon?" tanong ng isang babae kanina na nagngangalang Kara.

"Baka na holdap." sagot naman ng isa na Joaquin ang pangalan.

"O napagtripan." dugtong naman ng isa pang lalaki.

Kasalukuyan na nilang tinatahak ang makipot na daan papunta sa may bayan. Madilim man ngunit sapat na ang liwanag ng buwan upang magsilbing kanilang tanglaw.

Unti-unti, habang binabaybay ng magbabarkada ang kalsada ay nag-umpisang pumula ang langit. Nawala ang mga bituin na kanina lamang ay nagkikislapan sa kalangitan.

Ang hangin ay malakas na umihip. Pinasayaw hindi lang ang mga damo kundi pati na din ang mga naglalakihang puno sa paligid.

"Gosh! Umaambon na!" wika ni Kara. Inilabas pa ng babae ang make up sa dala-dala nitong pouch saka nag re-touch.

"Bibilisan ko na ang pag papaandar." wika ni Roxas saka marahas na tinapakan ang gas at pinaharurot ang sasakyan.

Para silang nakipagkarera sa hangin nang dahil sa bilis ng andar. Ang ilan sa barkada ay natuwa sa nangyayari habang ang iba ay kinabahan naman.

Mas lalo lumakas ang ambon, lumaki ang bawat mga patak hanggang sa hindi nagtagal ay tuluyan na ngang bumuhos ang malakas na ulan.

Bahagyang tinapik si Roxas ng katabing lalaki na si Eugene.

"Pare, you need to slow down. Madulas ang daan. Baka maaksidente tayo."

"Hindi 'yan, pre. Can't you see?" itinuro pa ni Roxas gamit ang isang kamay ang dulo ng daan na kanilang tinatahak. "Ayon na 'yong bayan. Malapit na tayo."

"Of course I see. But still, you need to slow down. Prone sa ganitong mga aksidente kapag ganitong malakas ang ulan." tugon ni Eugene.

"Para kang bading!" nakangising sabi ng binata at nagpatuloy sa mabilis na pagmamaneho.

Ilang minuto lang ang lumipas ay malapit na nilang marating ang bayan. Mas lalo pang binilisan ni Roxas ang pagpapaandar.

"Pre! Nandito na tayo, bagalan mo na!" may pagbabanta na sa tono ni Eugene.

"Shut up! Ako ang nagmamaneho. Manahimik ka lang diyan, akong bahala." kahit na nakalagpas na sa welcome sign ng bayan ay hindi pa din nagpatinag si Roxas.

Mabilis pa din ang pagpapaandar ng binatang nagmamaneho ng sasakyan. Tatawa tawa pa ito nang dahil sa itsura ni Eugene na kinakabahan na ewan.

Nang muling bumaling sa harapan si Roxas ay bigla siyang nagulat. Kaagad niyang tinapakan ang break ng sasakyan noong mayroong bulto ng tao na nakasuot ng kulay puti ang biglang dumaan sa kanilang harapan.

Mabilis niya itong iniwasan, saka malakas na nag preno pero huli na.

Nawalan ng balanse ang sasakyan, idagdag pa na madulas ang daan kung kaya't nagpaikot-ikot ito hanggang sa mahagip ang isang babae na patawid sana doon sa kabilang daan.

"Miladel!" dumagundong ang tinig na iyon, kasunod ng malakas na kulog.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon