#10
MABILIS na nagdaan ang mga araw. Saktong isang buwan na ang nakalipas simula ng mangyari ang lahat. Pagkatapos no'ng gabing mawala si Razor at kuhanin ng liwanag, kailaman man ay hindi na ito nakita pa ni Miladel.
Noong sumunod na araw ay kaagad niyang binalikan si Jarmaine. Gaya ng napag-usapan ay tumistigo ang dalaga. Mayroon din na isa pang testigo ang biglang sumulpot. Isa itong tindero ng balut na napadaan sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen at natandaan ang plate number ng sasakyan.
Dahil sa mga testigo ay mas lalong mag focus ang mga pulis na may hawak sa kaso ni Razor.
Naging mabilis naman ang pagtakbo ng kaso. Kaagad na kumilos ang mga pulis at naglabas ng warrant para mahuli si Marco Janeo na siyang gumawa ng krimen.
Dahil hindi naman kamag-anak si Miladel ay hindi niya na nalaman pa ang mga sumunod na nangyari.
Basta't ang huling sinabi lamang ni Jarmaine noong nakausap niya ito ay ayos na daw ang lahat. Lumabas na daw ang resulta ng judge at kinasuhan si Marco ng guilty beyond reasonable doubt. Pagkakakulong ng lima o hanggang anim na taon ang hatol dito.
Matapos ang pag-uusap ni Miladel at Jarmaine ang nalaman na lang niya na lumipad na patungo sa ibang bansa ang pamilya ni Jarmaine. Marahil ay natakot na rin ang mga ito na baka balikan sila ni Marco kung kaya't mabuti na rin iyon.
Nag resign na rin si Miladel sa trabaho niya bilang manikurista sa salon at nagpaalam na rin sa kanyang tiyahin na uuwi at babalik na sa probinsya nila sa Ilocos. Halos walo't kalahating oras din ang inabot niya bago narating ang Candon kung saan sa isang bayan na malapit doon sila nakatira.
Bago tuluyang pumunta sa kanyang ina ay naalala niya ang sinabi ni Razor sa kanya. Kaagad niyang tinunggo ang likuran ng simbahan na sinasabi nito at nakita ang isang malaki at matandang puno na nandoon.
Hindi alam ni Miladel kung bakit siya doon pinapunta ni Razor. Basta't natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na mag-isang hinuhukay ang ilalim ng puno gamit ang kanyang kamay.
Ilang sandali ay nakita niya ang isang hindi kalakihang box na nandoon. Nang makuha iyon ay nakita niyang nakapad lock ito.
Bigla ay bumalik sa kanyang alaala ang pinag-usapan nila ni Razor noong nasa may 7/11.
"Paano mo ko babayaran sa oras na matapos kitang tulungan? Baka naman mamaya bigla ka na lang maglaho niyan, ah!" sabi ni Miladel.
"Halos isang linggo mo na kong tinutulungan ngayon mo lang naitanong 'yan?" natatawang sabi ni Razor.
"Masyado kasi kong na-ewan nitong mga nakaraan." bahagyang sinipat ni Miladel ang noodles kung malambot na ba ito at puwede ng kainin. "Nang sabihin mo na bibigyan mo ko ng pera kapalit ng pagtulong ko sa 'yo ay nag gora na agad ako. Noong mga panahon na 'yon ay ang nanay kong may sakit ang inaalala ko."
"You love your mother that much, huh?" nakangiting sabi ni Razor.
Tumango naman si Miladel sa sinabing iyon ng binata bilang sagot.
"Kapag nahanap mo ang babaeng sinasabi ko sa 'yo, tanungin at kuhanin mo ang kuwintas na nasa kanya."
Mabilis na kinuha ni Miladel ang kuwintas ni Razor na suot-suot niya. Nakita niya na tila hugis susi ito na tugma sa pad lock ng kahon na hawak-hawak.
"Miladel, ikaw na ang bahala sa lahat." rinig niyang sabi ni Razor sa kanya.
Umiling-iling si Miladel. "H-hindi!" nauutal na sabi niya habang umiiyak pa rin.
"Ssssh! Pumunta ka sa Ilocos, bayan ng Candon. Mayroong puno sa likod ng simbahan. Nandoon ang premyong naghihintay para sa 'yo."
Nang mabuksan ang kahon ay tumambad sa kanya ang libo-libong pera--Hindi. Mali. Milyon to be exact. Kung bibilangin ay hindi lamang isang milyon ang halaga ng pera. Baka abutin ito ng lima o higit pa.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...