KABANATA 5

16.5K 354 13
                                    

#5

"YES? Ano po 'yon ma'am?" nakangiting sabi ng isang babae kay Miladel. Kasalukuyan siya ngayong nasa LBC upang magpadala ng pera sa kanyang ina.

Kanina bago umalis ng bahay ay nagbigay ang kanyang tiyahin ng pera upang ipangdagdag sa pambile ng gamot ng kanyang ina.

Dahil sa wala pang sapat na pera upang ma-operahan ang ina ni Miladel, nag reseta na lang ang doktor na sumuri dito ng mga gamot, upang pansamantalang maibsan ang sakit na nararamdaman, sa tuwing kumikirot ang bukol sa dibdib nito.

"Uhm, magpapadala po ng pera." sagot niya naman dito. Mula sa kanyang bag ay inilabas niya ang kanyang wallet kung saan nakalagay ang pera na ipapadala sa ina.

"Paki fill up na lang po." sabay abot naman ng babaeng kausap sa kanya ng isang maliit na slip, na siyang kailangan para sa gagawing transaksyon. Tumingin si Miladel sa may gilid kung saan mayroong nakasabit na orasan.

Nang tignan ang oras ay mag a-alas nuwebe pa lamang ng umaga. Malapit lang naman ang trabaho niya kung nasaan man siya ngayon kung kaya't ayos lang dahil hindi naman siya mahuhuli.

Muli ay bumaling siya sa form na ibinigay ng babae at saka kinuha ang isang ball pen na nasa may harapan niya. Inumpisahan ni Miladel na lagyan ang mga mahahalagang bagay doon, at nang matapos ay muli niyang tinawag ang babae.

"Ito na miss." sabi ni Miladel.

"Sige po ma'am, sandali lang." sagot naman nito. May kung anu-ano lamang itong pinindot sa computer at saka nagtanong ng ilang mga bagay kay Miladel. "Bale, four thousand po ang ipapadala ninyo?" muling sabi ng babae.

Marahan na tumango naman si Miladel. "Oo." sagot niya naman. Inilabas niya na ang pera na nagkakahalaga ng apat na libong piso sa kanyang wallet at iniabot ito sa babae.

Nang maayos ang transaksyon ay binigyan si Miladel ng maliit na copy ng form kung saan nandoon ang transaction number, na siyang kailangan niyang ipadala sa kanyang ina upang makuha nito ang pera.

Pagkalabas ng LBC ay halos mapalundag si Miladel noong mayroong isang batang multo ang tumakbo sa kanyang harapan.

"Jusko ko po!" gulat na sabi niya habang nakahawak sa kanyang dibdib. Nang tignan ang batang multo ay nakatingin lamang ito sa kanya. Blanko ang makikitang ekspresyon sa bilugang mata ng batang babae. Hindi mawari kung galit ba ito o ano. Di tuloy maiwasan ni Miladel ang makaramdam ng takot lalo na noong bigla na lamang itong ngumiti sa kanya!

Pakiramdam ni Miladel ay nagtaasan ang buhok niya sa buong katawan. Bahagya siyang nangilabot sa takot. Ang creepy! Para bang mayroong kakaiba sa ngiting iyon ng batang babae.

Bigla ay mayroong kamay ang humawak sa kanyang balikat. Napalingon siya para makita kung sino iyon at kaagad na nalukot ang mukha nang makita ang nakangising si Razor.

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo? Para kang naka-kita ng multo." sabi ng binata.

Ipinaikot naman ni Miladel ang mga mata nang dahil sa sinabi ng lalaki. "As if hindi ka multo!" sabi niya.

Napahagikgik naman si Razor. "Kunsabagay." wika nito.

Muling ibinaling ni Miladel ang tingin niya sa may gawi ng bata, ngunit wala na ito doon. Nagpalinga-linga siya sa may paligid pero hindi niya na ito nakita pa.

"Ano'ng hinahanap mo?" rinig niyang sabi ni Razor sa kanya. Katulad niya'y nagpalinga-linga din ito sa may paligid.

"Uhm, wala naman." patay malisyang sabi ni Miladel. Masyado siyang maraming iniisip para pagtuunan pa ng pansin ang batang multo. Sa ngayon ay kailangan niya pang makaisip ng paraan kung saan kukuha ng pera.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon