KABANATA 9

13.7K 363 49
                                    

#9

KASALUKUYANG nakatayo si Miladel sa harapan ng bahay na mayroong dalawang palapag. Hindi naman ito kalakihan pero sapat na upang masabing mayroong kaya ang pamilyang naninirahan.

Kagabi, nang makita nila ni Razor ang babaeng hinahanap ay kaagad na kinuha ni Miladel ang mga impormasyon na maaring pakinabangan. Nalaman niya ang address nito pati na rin ang iba pang basic information.

May dalawang oras din ang naging biyahe niya papunta dito sa isang liblib na bayan somewhere in Batangas. Idagdag pa ang isa't kalahating oras na paghahanap niya bago matagpuan ang lugar na kinatatayuan niya ngayon.

"Dali, tumawag ka na ng tao sa loob." rinig ni Miladel na utos ni Razor.

"Wait lang." sabi naman ni Miladel. Sandaling nag-ayos siya ng sarili bago nagsimulang magsalita at tumawag ng tao sa loob ng bahay.

Kumatok siya ng tatlong magkakasunod sa kulay maroon na gate. "Tao po! Tao po!" paulit-ulit na sabi niya habang patuloy sa ginagawang pagkatok.

Ilang sandali pa ay mayroong lumabas na isang matandang babae na nasa edad 40 na. Lumapit ito sa may gate at saka masusing tinignan si Miladel.

"Yes, ano ho 'yon?" sabi ng matanda.

"Magandang umaga po. Dito ba nakatira si Jarmaine?" tanong ni Miladel sa matanda. "Jarmaine De Vera." pagbuo niya sa pangalan ng babaeng hinahanap.

"Anak ko siya, bakit? Anong kailangan mo?" sagot naman ng matandang babae.

"Nandiyan ho ba siya? Paki sabi po na ako si Miladel at mayroon akong mahalagang sasabihin sa kanya."

"Teka, sandali lang at tatawagin ko." tumalikod na ang matandang babae at nagsimulang maglakad papasok sa may loob ng bahay.

"Ito na. Malapit na nating matapos 'yong unfinished business ko!" masayang sabi ni Razor. Pinaglandas pa nito ang mga kamay.

"Kaya nga, at matutulungan mo rin akong maipagamot ang nanay kong mayroong karamdaman." masayang sabi din ni Miladel.

Na-e-excite na siyang isipin na makukuha niya na ang premyong pinaghirapan at pinagpuyatan. Isang milyon! Gosh! Kahit huwag na siyang mag trabaho at mag negosyo na lang sa kanilang bahay sa probinsya gaya ng pangarap niya ay matutupad na. Bukod doon ay maipapagamot na rin niya ang minamahal na ina.

Naghintay lamang sila ng ilang sandali ni Razor bago makita ang isang maganda at maputing babae na lumabas sa may bahay, kasama ang matandang babae kanina na siyang ina nito.

"'Ayon 'yong naghahanap sa 'yo, nak." rinig ni Miladel sa sinabi ng matandang babae sa anak nito.

Nagsimula namang maglakad palapit 'yong babae patungo sa direksyon ni Miladel.

"Ikaw ba 'yong naghahanap sa akin?" tanong ng babaeng maputi. Tama nga. Ito ang babaeng nasa larawan na itinuro ni Razor kagabi. Siya nga si Jarmaine De Vera.

"Oo. Ako nga pala si Miladel." pagpapakilala niya.

"Ano 'yong sinasabi mo na mahalaga mong sasabihin?" tanong ng babaeng nagngangalang Jarmaine sa kanya.

"Tungkol kay Razor." wika ni Miladel. Kitang-kita niya ang pagkagulat na kaagad rumehistro sa mukha ni Jarmaine noong sabihin niya iyon.

"Kilala mo si Razor?" hindi makapaniwalang sabi ni Jarmaine sa kanya.

Tumango-tango naman si Miladel at saka muling nagsalita. "Nagpunta ako dito para kausapin ka tungkol sa isang pangyayari isang buwan na ang nakakalipas."

"P-pumasok muna tayo sa may loob." hindi mapakaling sabi ni Jarmaine sa kanya. Kaagad nitong binuksan ang gate at saka pinapasok si Miladel.

Nang makarating sa may sala ng bahay ay pinaupo muna ng babae si Miladel sa may sofa habang si Razor naman ay nagpagala-gala sa bahay at tinignan ang mga litrato na naka-display.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon