KABANATA 29

6.4K 196 16
                                    

KABANATA 29

KANINA pa nahuhuli ni Miladel na tingin nang tingin ang binatang si Razor sa kanya. Kasalukuyan na silang pauwi na dalawa galing sa pamamasyal. Matapos kainin ang dinala ng lalaki ay nagyaya ito na umalis.

Nagpunta lamang sila Narvacan at pumunta sa ilang pasyalan na nandoon. Sunod ay Bangui Windmills. Siyempre ay hindi iyon pinalagpas ng dalaga at nag pakuha ng litrato sa binata.

Mga solo picture para mayroon siyang maipost sa facebook at iba pang mga social media account. Sunod ay niyaya din niya ang lalaki na magpa-picture silang dalawa.

Hindi maiwasan ni Miladel ang makaramdam ng kilig dahil ang sweet-sweet lang talaga ni Razor. Kahit 'ata pawis na pawis na ang kanyang kamay ay ayaw pa din nitong bitiwan. Holding hands while walking lang sila.

Pasimple din itong umaakbay sa kanya. O hindi kaya ay yayakapin. Napaka-clingy!

Tinanong pa siya ni Razor kung bakit daw ganoon siya kagiliw. Hindi pa daw ba siya nakaikot sa buong Ilocos Sur at Norte? At sinagot naman ito ni Miladel ng, "Oo."

Kahit na sa Candon Ilocos Sur ipinanganak ay hindi naman nabigyan ng pagkakataon na makapamasyal si Miladel. Hindi naman kasi sila mayaman katulad ni Razor at mayroong sasakyan na puwedeng makapunta sa kahit na saan naisin.

Muli ay nakita na naman ni Miladel ang pag tingin ni Razor sa kanya. Matapos niyon ay tumawa pa ang binata. Nakakatawa yon?

"Alam mo, kanina ka pa tingin nang tingin sa akin." pagpuna niya dito. Hindi siya mapalagay. Ang awkward lang sa pakiramdam. Lalo na't kung katulad ni Razor ang natingin. Guwapo!

"Bakit? May masama ba sa ginagawa ko?" tanong ni Razor sa matipunong tinig.

"Wala namang masama. Pero nakakailang kasi. Hindi ako sanay." sagot naman ni Miladel. Umayos siya ng pagkakaupo dahil hindi siya komportable sa huling ayos.

"Dapat sinasanay mo na 'yong sarili mo. Paano na lang kapag girlfriend na kita?" gulat ang kaagad na rumehistro sa mukha niya. Talagang pinagkatitigan niya pa si Razor.

"A-anong sabi mo?" muling pagkukumpirma niya. Gosh!

"Ang sabi ko," kahit nagmamaneho ay tumingin si Razor sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata. "Masanay ka na. Paano na lang kako kapag naging girlfriend na kita."

Matapos na sabihin ni Razor iyon ay ngumiti pa ito nang nakakaloko sa kanya. Napakagat labi na lang si Miladel. Halos kilitiin ng sampung feather duster ang tiyan niya sa narinig.

Buwiset na Razor! Bukod sa guwapo at kayang painitin ang kayang katawan ay kaya din siya nitong pakiligin sa simpleng salita. Grabe ang impact!

Ganoon pa man ay pinilit pa din ni Miladel na kumalma. Baka mamaya ay makahalata ito na gustong-gusto niya. Eh, totoo naman Miladel di ba?

"Paano kung ayoko magpaligaw?" tanong ni Miladel. Hinahamon ang lalaki.

Mabilis na sinipat lang siya ni Razor at muling bumalik ang tingin sa may daan. "FYI, I talked to Tita Marissa. I asked her permission. Sinabi ko na liligawan kita at pumayag naman siya."

Jusko! Wala na! Uwian na, may nanalo na!

Gusto nang sumigaw, tumili habang tumatalon nang dahil sa kilig ni Miladel. She was so happy knowing that this guy wants her to be his girlfriend. Idagdag pa na nagpaalam ito sa kanyang ina! Sa panahon ngayon ay wala ng gumagawa no'n. Kung mayroon man ay iilan na lang.

Isang kamay ang ginamit ni Razor sa pagmamaneho habang ang isa naman ay kinuha ang kamay ni Miladel. Pinagsalikop ang kanila.

"Razor." bakit bukod sa ang pogi-pogi mo na at yummy, eh ang lakas mong magpakilig? Hmp!

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon