#14
MILADEL is currently looking in the mirror. Ang kanyang ina naman ay kasalukuyang nasa loob ng isa sa mga cubicle. Katatapos lamang niyang maghilamos dahil sa pakiramdam na naglalagkit na ang kanyang mukha nang dahil sa pawis, dala na rin marahil ng mainit na panahon.
"Saan mo balak kumain?" rinig niyang sabi ng kanyang ina matapos nitong lumabas sa cubicle. Lumapit ito sa kanyang tabi at naghugas ng kamay doon sa lababo.
"Ano bang gusto mong kainin 'nay?" this time ay inaayos naman ni Miladel ang kanyang buhok na medyo nagulo.
"Simula kanina pa doon sa may jeep natin iniisip kung ano'ng kakainin natin." tugon ng kausap. Bahagya silang nagtawanan na mag-ina.
"Sa Max's na lang kaya? O sa Savory? Tingin ko ay 'ayon lang ang dalawa sa puwede natin pagpiliin ngayon." wika ni Miladel habang palabas sila sa naturang comfort room ng mall.
"Sabagay, for sure doon walang masyadong tao." pag sang-ayon naman ng kanyang ina sa sinabi niyang iyon. "Hala! Sandali lang anak!"
"Oh? Bakit 'nay? Anyare?" napahinto silang dalawa sa hallway nang dahil sa pag sigaw nito.
"Naiwan ko 'yong bag ko doon sa may comfort room. Sandali lang at babalikan ko."
"Sige nay, hihintayin na lang kita dito."
Matapos niyon ay nagsimula na ngang maglakad ang kanyang ina pabalik sa pinanggalingang comfort room habang siya naman ay dumiretso doon malapit sa escalator, sumandal saka nag cell phone.Nag browse lang siya sa kanyang mga social media account tulad ng facebook. Habang nagtitingin ng mga post sa news feed ay bahagyang napatigil si Miladel.
Mayroong taong nakatayo sa kanyang harapan kung kaya't napatigil siya at tinignan ito. Agad naman na bumungad sa kanya ang isang nakakalokong ngiti ng isang lalaki.
"Sinasabi ko na nga ba't ikaw 'yan."
"Razor!" gulat na sabi ni Miladel sa binata. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang lalaki sa mall.
Katulad noong una niya itong makitang buhay ay gusto niya itong hilahin palapit sa kanya at yakapin nang mahigpit. But still, she can't do that. Alam niya sa sariling hindi maari kahit na gustuhin man niya na gawin ang bagay na iyon. Walang naalala si Razor. Wala itong naalala noong mga panahong isa pa lang itong espiritu.
"Yes, I am." buong galak na sabi pa nito sa kanya, bahagyang lumuhod na parang isang prinsipe sa fairy tale na mababasa o mapapanuod lamang. "What are you doing here if you don't mind?"
"Namamasyal malamang!" pamimilosopo niya naman. Inilagay niya na ang cell phone sa may bag na dala-dala.
"Oh, really?" may panunuri siyang tinignan ni Razor. Umiling-iling pa ito bago muling nagsalita. "Tsk! Baka naman makikipag date?"
"Ha-ha!" sarkastikong turan niya. "Patawa ka!"
"Sus!"
"Hindi!"
"Totoo?"
"Hindi nga sabi!"
"Talaga lang, ah?"
"Hindi nga 'no! Bakit ba ang kulit mo? Eh, sinabi ng hindi nga ako nakikipagdate!" At bakit ba siya nakikipagtalo at nag eexplain sa binata? Ano bang pakialam niya sa iisipin nito kung nakikipagdate siya o hindi? Paki mo ba Razor? Paki mo kung sakaling makikipagdate man ako?
"Bahala ka! Diyan ka na nga!" nagsimula ng maglakad si Miladel at nilampasan si Razor, pero kaagad din namang sumunod ang pangalawa sa una.
"Ikaw naman, hindi ka mabiro—"
"'Nay." pagtawag ni Miladel sa kanyang ina nang muli itong makita. Kaagad siyang lumapit dito kasunod si Razor.
"Hello po, Tita, nice to see you!" pagbati ng binata sa kanyang ina.
"Oh, Razor, hijo, ikaw pala 'yan!" nakangiting sabi ng nanay ni Miladel, mukhang masaya na makita ang anak ng best friend nito.
"Namamasyal po pala kayo ni Miladel." tumingin si Razor sa kanya, bago muling bumaling sa nanay niya.
"Oo, actually, kakagaling nga lang namin sa ospital na dalawa."
"Bakit po tita? Ano pong nangyari?" tanong naman ni Razor, bakas sa mukha at tono ang bahagyang pag-aalala sa narinig mula sa kanyang ina.
"Hindi. Wala naman 'to hijo, nagpunta lang kami nitong si Miladel sa ospital kanina dahil sa napapadalas na kirot ng opera ko."
"Mabuti naman po kung ganon."
"Ikaw? Ano nga palang ginagawa mo dito, Razor?" tanong ng kanyang ina sa binata.
"May inutos po kasi si mama sa akin. Nagpapabile lang ng mga gamit na kakailanganin para daw sa sabado."
"Kumain ka na ba? Baka gusto mo kaming saluhan ni Miladel sa pagkain."
"'Ayos lang po ba?" nakangiting sabi ni Razor. Tumingin pa ito sa kanya, pero inismidan niya lamang ang binata nang dahil na din sa pagiging pilyo ng itsura nito.
"Oo naman, 'ayos lang sa amin, 'di ba, Miladel?" wika pa ng kanyang ina. Sandali siyang natahimik. Huminga nang malalim. Ano'ng inaarte-arte mo, Miladel? Hindi ba't gusto mo din naman na makasama talaga si Razor? Hindi ba't missed na missed mo na siya, kahit na noong mga panahon na nawalan ka ng pag-asa na muli kayong magkita?
Ganoon pa man ay alam ni Miladel sa sarili kung ano'ng dahilan kung bakit medyo iniiwasan niya ang binata. She doesn't know him yet. Ang kilala niya lang na Razor noon ay 'yong espiritu na tinulungan at tumulong sa kanya, bukod doon, wala na.
Hindi niya alam kung ano'ng klaseng tao ba talaga ang Razor na kaharap. Delikado ba ito para sa kanya? O gusto lamang niyang protektahan ang puso na huwag umasa at masaktan?
"Miladel?" bahagya siyang tinabig ng ina.
"Opo." pag tugon naman niya. "Sumama ka na sa amin kumain, Jan Razor Song."
"Tara na." yakag ng ina sa kanila.
Napabuntong hininga naman si Miladel. Siguro nga ay 'ayos na din ito. Ang makasama niya si Razor ngayon, she wants to investigate something. Gusto niyang malaman kung ano ang pagkakaiba ng lalaking minahal at mahal niya pa rin hanggang ngayon, sa lalaking nasa kanyang harapan.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...