Kabanata 20
MAGANDA ang sikat ng araw noong umagang iyon. Mula sa Ilocos ay halos dalawa't kalahating oras lamang ang naging biyahe nila hanggang sa makarating doon sa La Union o Elyu, tawag ng karamihan.
Ibinaba ni Razor pati na din ng ama nito ang mga gamit mula sa sasakyan, habang si Miladel, ang kanyang ina at Tita Janna naman inayo ang mga pagkain doon sa isang cottage na inupahan nila.
"I missed this kind of bonding with you, Marissa." masayang sabi ni Tita Janna sa ina ni Miladel.
"Ako din naman, ilang dekada na ba?" sagot naman ng kanyang ina kasunod ng mahinang pagtawa.
Bumaling ang ina ni Razor sa kanya at nagtanong. "Miladel, nagugutom ka na ba?"
Umiling siya. "Hindi pa naman po, tita,"
"Ganoon? Sige, basta kapag nagugutom ka na, feel free na kumain ng madami."
"Okay po. Salamat!" nakangiting sabi niya pa sa magiliw na ginang. For sure sa kagiliwan at kalulitan ay dito namana ni Razor.
Hindi maiwasan ni Miladel ang mapangiti, saka binalingan si Razor at ang ama nito na ngayon ay tapos na ibaba ang mga gamit nila at naiayos na din.
Kasalukuyang nagpupunas ng pawis ang binata. She can saw his muscle when he flexes. Enough to know that he has a proper diet, discipline to achieve or maintain that kind of body.
Bahagya din itong hinihingal dala na din ng matinding pagod. Ilang sandali pa ay nagpahinga lang silang lahat, nagkuwentuhan at nakainan muna bago napagpasyahan na magpalit ng damit, magtampisaw at lumangoy sa swimming pool.
"Ang sarap, hindi masyadong malamig." kumento ni Miladel. Nasa may gilid lang siya at nakababad ang mga paa. Habang ang kanyang ina naman ay kasama ang mga magulang ni Razor doon sa di kalayuan ang nagkukuhanan ng litrato at masayang nagtatawanan.
"Ayaw mo pang mag-swimming?" napalingon si Miladel kay Razor. Tumabi ito ng upo sa kanya. "Gusto mo?" dagdag pa ng lalaki sabay akmang inabot sa kanya ang hawak nitong liempo.
Malugod naman iyong tinanggap ni Miladel. "Salamat."
"Nag enjoy ka ba noong nasa Vigan tayo?" tanong ni Razor matapos nitong kumagat sa liempo na kinakain.
Katulad niya ay ibinabad din ng lalaki ang mga paa sa tubig ng pool.
"Oo naman, ang dami kong first time no'n, tapos 'yong 4x4, ang saya lang, grabe!"
"Mabuti naman at nasiyahan ka." kaswal na sagot ni Razor.Lumipas ang ilang mga sandali na nagkuwentuhan lang sila. Mga random things like favorite movie, foods at kung anu-ano pa. Usually, ang mga sinabi ni Razor ay alam naman na ni Miladel dahil minsan na nila itong napagkuwentuhan noong ito ay isang espiritu pa lamang.
"You know what? Naaksidente ako three months ago."
"I know." mahinang sabi ni Miladel na hindi pa din nakaligtas sa pandinig ng binatang si Razor.
Medyo nagulat pa ito sa kanyang sinabi. "How?"
"Ah, ano," noong espiritu ka pa, ako kaya ang tumulong sa 'yo. "Hindi ba nagpa-party pa nga sina Tito Raven at Tita Janna para sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...