Kabanata 22
HUMINGA nang malalim si Razor. Tinignan niya ang kanyang mga magulang na kasalukuyang nandoon sa may veranda habang nag-uusap. Muli siyang napabuntong hininga. He's nervous right now. Medyo nanlalamig ang kanyang mga kamay at mabilis din ang tibok ng kanyang puso.
Kailan ba noong huli niya itong maramdaman? Ganoon pa man ay buo na ang desisyon niya.
Nagsimula siyang maglakad papalapit kay Marissa—ina ni Miladel na kasalukuyang nandoon sa may sala at naghihiwa ng mga sangkap na gulay para sa lulutuin na siningang na baboy. Ito ang naprisinta kanina na magluto ng hapunan. Pinagbigyan naman ito ng ina ni Razor dahil namiss na daw nito ang luto ng kaibigan.
Nang tuluyang makalapit si Razor ay bahagya siyang nag peke ng umubo. Kaagad naman niyang nakuha ang atensyon ng ginang nang dahil doon.
"Oh, hijo. Inuubo ka ba? Gusto mo ba ng inumin?"
"Ah! hindi po, Tita Marissa. I'm good." tugon niya naman sa ginang.
"Sigurado ka ba diyan?" bakas sa tono nito ang pag-aalala.
He can't help but smile at her. Her Tita Marissa is a good person and a good mother, too. Nakikita niya iyon. Alam niya na maganda din ang pagpapalaking ginawa nito sa anak na si Miladel.
Tumango na lamang si Razor at naupo sa may harapan nito. Pinagmasdan lang niya ang kanyang Tita Marissa hanggang sa matapos na hiwain at ayusin ang mga gulay.
"Tita Marissa." tawag niya.
"Ano 'yon?" hindi na ito lumingon sa kanya at busy sa ginagawang paghihiwa sa baboy.
"Gusto ko lang po na magpaalam sa inyo." The heck! Keep calm, Razor. "Pupuwede ko po bang ligawan si Miladel? Shoot!
Napahinto sa ginagawa ang ginang.
"Razor." wika nito sa kanyang pangalan.
Sandaling pinagkatitigan ni Razor ang kausap. Hindi niya mabasa ang mukha nito kung galit ba o hindi. Her expression was blank. Napalunok siya. Pakiramdam niya'y natuyo ang kanyang lalamunan at hindi makapagsalita. Mukhang kailangan niya ng humingi ng tubig na maiinom katulad no'ng naunang alok ng kausap.
"Po?" napalunok siyang muli. Mataman siyang tinignan ni Marissa.
What the hell? What happened to me? I think I'm dead.
"Sigurado ka ba diyan?" nakita ni Razor na umiling nang bahagya ang ginang. "I mean, gusto mo ba si Miladel?" dagdag na saad pa nito.
Muli na naman siyang tumango sabay sabing, "Yes, Tita Marissa."
"Baka naman nadadala ka lang? Baka natutuwa ka lang sa anak ko at gusto mo lang siyang maging kaibigan?"
Marahas ang naging pag-iling ni Razor. "No! That's not true po. To be honest, Tita Marissa. Kahit na sa maikling panahon pa lang kaming nagkakilala at nagkasama ni Miladel ay nagustuhan ko na siya."
Bumalik muli sa ginagawa ang ginang. "Razor, natutuwa ka lang kay Miladel. Paano mong magugustuhan ang anak ko? Gaano ka ka-seryoso sa kanya? Alam ko na mayroon kang background sa pagiging babaero mo." muling itong bumaling sa kanya at mataman na tumigin. "Sorry, hijo, ah? Ayoko lang na masaktan at madehado si Miladel kapag nagkataon. Kahit na alam kong anak ka nina Raven at Janna."
Hindi alam ni Razor pero ang kaninang takot at hiya na nararamdaman niya ay nawala na ngayon. Napalitan na ito ng determinasyon at lakas ng loob.
"Yes Tita, Siguro nga naging babaero po ako noon. But I just want you to know that I already changed. After the accident that happened to me three months ago, I learned my lesson. Kahit na maikling panahon palang kaming magkakilala ni Miladel, it feels like almost a year for me. Weird, I know, pero 'yong pakiramdam ko na parang matagal ko na siyang kilala?"
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...