KABANATA 1

28.4K 540 32
                                    

#1

KASALUKUYANG tinatahak ni Miladel ang madilim at masikip na daan patungo sa bahay ng kanyang Tiya Janice kung saan siya ngayon tumutuloy.

May ilang araw na rin simula ng magpunta siya dito sa Maynila. Ipinasok kasi siya ng kanyang tiyahin upang manilbihan bilang isang manikurista sa parlor na pagmamay-ari ng kaibigan nito.

Ginabi na siya nang uwi dahil sa isang customer na pumasok kung kailan pasara na dapat sila. Nang dahil sa pakiusap ng kahera ay napilitan si Miladel na ayusan at linisan ito ng kuko.

"Pssst!" rinig niyang mayroong sumitsit mula sa kanyang likuran. Bahagya pang napahinto si Miladel sa paglalakad nang dahil doon. "Tulungan mo ko."

'Ito na naman po tayo!' wika niya sa kanyang isipan.

Kaya ayaw na ayaw niyang ginagabing umuwi dahil mayroon siyang nakakasalubong na iba't-ibang klase ng nilalang. Kapre, Tikbalang, White Lady o kung anu-ano pang nilalang nang misteryo.

Nang dahil sa aksidenteng nangyari kay Miladel noong nakaraang buwan ay nakakakita na siya ng mga kakaibang nilalang ng hiwaga. Dahilan upang magpunta sila ng kanyang ina sa isang albularyo. At doon ay nalaman nilang bumukas pala ang third eye niya.

Espesyal--'Ayan ang tawag sa kanya ni Mang Erning--ang albularyong sumuri kay Miladel. Piling-pili lang daw ang mga taong nabibigyan ng kakayahan na makakita ng mga multo o ibang klase ng nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong mga tao.

Simula noon ay pinilit ni Miladel na mabuhay ng normal gaya ng ibang mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga multong nagpaparamdam at nais humingi ng tulong sa kanya.

Nagpatuloy lamang si Miladel sa paglalakad at hindi nilingon ang nilalang na sumitsit sa kanya.

Ilang saglit pa'y natanaw niya ang kulay asul na bahay ng kanyang Tiya Janice. Mas lalo pang binilisan ni Miladel ang paglalakad. Kung hindi lamang siya nakasuot ng sapatos na may tatlong pulgada ang taas, at kung hindi lamang baku-bako ang daan ay tatakbuhin niya na ito upang makauwi kaagad.

Sa oras na makapasok siya sa bahay ay hindi na siya masusundan pa ng nilalang na sumusunod sa kanya. May binigay kasi ang albularyong si Mang Erning sa kanyang kulay itim na chain, na binasbasan nito na siyang isinabit niya doon sa may bintana ng bahay, kung saan nasisinagan ng araw upang magkaroon iyon ng bisa upang hindi makapasok ang ano mang klase ng nilalang ng misteryo.

Isa, dalawa, tatlong hakbang. Kaunti na lamang at malapit na niyang marating ang bahay ng Tiyahin.

Pagkahawak ni Miladel sa door knob ng pinto ay akmang pipihitin niya na ito upang buksan noong mapatigil siya.

Nakaramdam siya ng isang malamig na kamay na humawak sa kanyang balikat. Hinawakan siya ng nilalang na sumusunod sa kanya!

Ipinikit ni Miladel ang kanyang mga mata at saka huminga ng malalim. Humarap siya sa nilalang na kasalukuyang nakahawak sa kanyang balikat.

"Tigilan mo--" handa na siya upang sigawan ito ngunit nagimbal siya sa kanyang nakita.

Nakaluwa ang kanang mata, wak-wak ang leeg at mayroon pang pumupusisit na dugo. May taga rin ito sa ulo at kitang-kita ang utak na inuuod!

Nang dahil sa sobrang takot ay hindi na nakayanan pa ni Miladel at tuluyan na siyang napasigaw! Kaagad niyang tinanggal ang kamay nito na kasalukuyan pa ring nakahawak sa kanyang balikat at saka dali-daling tumakbo papasok sa loob ng bahay ng kanyang tiyahin.

-------

"OH? ANONG nangyari sa 'yo? Ba't namumutla ka?" tanong ng kanyang Tiya Janice noong makita siya nito.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon