KABANATA 17

8.8K 252 9
                                    

Kabanata 17

"ARE you busy today?" mula sa panunuod sa telebisyon ay muling nabaling ang atensyon ni Miladel kay Razor. Ubos na nito ang sandwich na inihanda ng kanyang ina, at kakatapos lang din inumin ang kape.

​"At bakit mo naman naitanong, aber?" nakataas ang isang kilay na sabi niya naman.

​"I just want to know if you want to go with me."

​"Go with you?" hindi makapaniwalang sabi pa ni Miladel.

​"Let's say na para makabawi?" patanong na sabi ng binata.

​"Makabawi?" pag-uulit niya naman. "Saan?"

​"For being head over heels for me."

​"Teka! Tama ba ang narinig ko? Ako? Head over heals sa 'yo?" bulalas niya, hindi makapaniwala. On the second thought, hindi nga ba Miladel? "Kapal! Ikaw 'ata ang assuming sa ating dalawa, Razor."

​"You know what? I really love my name every time I hear it from you! Anyway, what now? Do you want to go with me? Yes or yes?" natatawang sabi pa ni Razor sa kanya.

​"Do I have any choice?" natawa na din si Miladel.

​"No! So I guess you're good?"

​"Okay lang, wala naman kaso sa akin." Excited man, ay pinilit niyang maging kaswal sa pagkakasabing iyon.

Ayaw niyang mapansin ito ng lalaki. Yes! She loves him, and Miladel knew that the feeling was mututal. But then again, hindi ito ang lalaki na nakilala niya noon. Hindi ito nakakaalala.

On the second thought, napagpasyahan ni Miladel na i-push through ang nararamdaman para sa binata. This time, she will make him fall for her again. Hindi man matandaan ni Razor ang mga nangyari, hindi man siya maalaa nito ang kanilang mga napagdaanan, alam niya na ang puso ng lalaki ay hindi makakalimot.

Maybe, it's now my turn to tease him? To make him fall for me. It's now or never. Saglit na tinapunan ni Miladel ang lalaki. So, you ready, Jan Razor Song?

***

IPINARADA ni Razor ang kotse sa tapat ng The Lapaz Sand Dunes—one of the more popular destinations in Ilocos bukod sa Bangui wind farm. Matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan, ay kaagad na din silang bumabang dalawa ni Miladel.

​"I can't wait!" excited na sabi ni Miladel sa kanya habang tinatanggal ang sariling seatbelt.
​Hindi naman napigilan ni Razor ang mapailing habang natatawa din. She's unbelievable.

​"Hindi ka pa ba nakakapunta dito? I mean, hindi mo pa na subukan?" tanong niya pa sa dalaga. Hinubad ni Razor ang cap na suot at inilagay iyon sa ulo ni Miladel. "Much better! Para hindi ka din masyadong mainitan mamaya."

​"Thanks!" tugon naman ng dalaga sa kanya.

​"Always welcome." aniya, "Siya nga pala, Miladel. Nagugutom ka na ba? Do you want something to eat? Tell me."

​Sunod-sunod naman ang ginawang pag-iling ng babae. "Hindi, busog pa naman ako, Razor. Madami akong nakain sa niluto ng nanay ko nitong agahan."

​"Sabagay." pagsang-ayon naman ni Razor. Maski siya ay nabusog din naman sa kinain. Sa dami ba naman ng niluto ng mama ni Miladel ay parang pang sampung ka-tao na 'ata ang kakain.

​"Game na?"

​"Oo, hindi ko pa na try dito, nakaka-excite. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito."

​"Totoo?" paninigurado pa ni Razor. Tango naman ang isinagot sa kanya ni Miladel bago ito naunang maglakad. Funny!

​Nagsimula na ding siyang maglakad, sinundan ang dalaga. Kaagad na may sumalubong sa kanilang isang lalaki. May hawak-hawak itong papel na naglalaman ng offer o rates para sa 4x4 o ATV.

​"Hi ma'am and sir, try our 4x4 ride adventure or ATV." sabay abot nito ng papel sa kanila ni Miladel. He checked the offer, it's not that expensive. Oh, well, even though it was, it doesn't matter to him.

​Nagbayad at nag sign lang silang dalawa ng waiver. Habang naghihintay ay napabaling naman si Razor nang tingin kay Miladel. Kasalukuyan nitong itinatali ang maganda at mahabang buhok.

Tila huminto ang mundo noong mga oras na iyon. He can say that Miladel was damn beautiful. Good catch na din dahil sa pagiging mabait nito.

"Razor."

"The heck!" halos sigaw ni Razor. Hindi niya namalayan na nasa tapat na pala niya si Miladel. Narinig niya pa ang mahina nitong pagtawa.

​"Ang cute mo palang magulat." nakangiti pa ding sabi ni Miladel sa kanya.

​"Psh!" mahina niyang pinitik ito sa noo.

"Baliw. Bakit ba nanggugulat ka?"

​"Hindi 'no! Hindi kaya kita ginulat." pagdadahilan naman ng babae sa kanya. "Malayo lang ang nalakbay ng utak mo!"

​"Hindi, ah?"

​"Ay sus! Iniisip mo lang 'ata ako, eh?"

​"Aba't—" hindi niya na natapos pa ang sasabihin dahil tinawag na sila ng lalaking nag-a-assist. Kinausap sila at pinaalalahanan ng kung anu-ano at ilang sandali lang ay ready na sila.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon