Kabanata 30
HALOS magulat si Miladel noong malaman na katulad niya ay mayroon ding third eye ang jowa ng kanyang kaibigan na si Ronald. She did not expect na mayroon siyang makikita o makikilalang tao na katulad niya na mayroong kakaibang kakayahan.
Ganoon pa man ay sinabi ni Ronald na hindi daw ito nakakakita bagkus ay nakakaramdam at nakakarinig lang. Clairaudience—iyon daw ang tawag sa lalaki. It's psychic hearing. Ronald told her that ability can receive or communicate from your higher self, deceased, or those in heaven.
Hindi naman makapaniwala si Miladel. Madami na siyang nabasa na katulad ng kakayahan ni Ronald noong maghanap siya sa internet. Mga tungkol sa taong nagtataglay o kabilang sa eight clair senses.
Pero hindi niya inakala na mayroon siyang makikilalang isa. Na-shock siya! Ngunit mas nangibabaw ang kuryosidad. Mukhang maraming nalalaman si Ronald.
Marami sanang gustong itanong ni Miladel sa binata. She wants to know if this guy has knowledge about her case. About the Spectrophilia thing. Gusto din niyang itanong dito ang mga posibilidad kung maaring makaalala ang isang lalaki na naging espiritu at nagising mula sa comatose.
Kung maalala pa ba ni Razor ang lahat?
Pero hindi niya na nagawa noong bumalik kaagad ang kaibigan na si Menchie bitbit ang binile nitong tatlong ice cream.
"Miladel, oh!" rinig niyang sabi ni Menchie sabay abot pa nito ng ice cream sa kanya.
"Thank you!" masayang sabi naman ni Miladel dito.
Sunod ay bumaling ang kaibigan sa nobyo nito at inabot din ang isa pang ice cream. Katulad niya ay nagpasalamat din si Ronald dito, pero nakatingin pa din sa kanya ang binata.
Umubo si Miladel upang makuha ang atensyon ni Menchie. "Tara, gusto niyo bang mamasyal doon?" tumuro pa siya sa kung saan.
"Anong meron doon girl?" sagot ng kaibigan.
Ngumiti naman siya sa mga ito. "Mga spot kung saan pupuwedeng mag photoshoot."
"Tara!" si Ronald ang tumugon.
Matapos niyon ay sabay-sabay silang naglakad papunta sa sinasabi ni Miladel na spot habang kumakain ng ice cream at nagkukuwentuhan.
Dahil pa gabi na ay nagsimula ng bumukas ang mga ilaw na nasa paligid ng plaza. Makukulay ang mga iyon at tunay na maganda. Dahilan upang mas lalo pang mabigyan buhay ang paligid. Maski si Miladel ay namangha din naman sa kanyang nakikita.
Ramdam na din niya ang presenysa ng papalapit na pasko nang dahil sa Christmas light at lamig ng simoy ng hangin.
"Diyan naman kayo pumuwesto." nakangiting sabi ni Miladel sa dalawang kasama. "Smile!" dagdag niya pa.
Hindi niya maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan ang magkarelasyon. Ang kyut lang tignan ng mga ito dahil bukod sa naka-couple shirt ay talaga namang bagay na bagay ay dalawa.
Pagkatapos nilang magpicture taking ay nag-upo sila doon sa may bakanteng bench sa plaza at nagkuwentuhan. Hindi naman nakaramdam ng kung anong pagkailang si Miladel dahil kahit third wheel noong mga oras na iyon ay hindi niya naman ito naramdaman.
Nag-usap at nagtawanan lang silang tatlo. Pero kaagad din na nagpaalam si Miladel sa dalawa noong makatanggap ng text galing kay Razor.
Nakangiting naglakad si Miladel papunta sa kulay pulang sasakyan. Nakaparada ito sa di kalayuan ng plaza.
Kumatok si Miladel ng mahina sa may bintana bago buksan ang pintuan ng sasakyan. Kaagad na sumalubong sa kanya ang guwapong binata na mayroong malapad na ngiti sa may labi.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...