KABANATA 15

9.1K 265 13
                                    

#15

NARAMDAMAN ni Razor ang pag vibrate ng kanyang cell phone mula sa bulsa. Pasimple niyang tinignan kung sino ang tumatawag, and found out that it was the girl he met yesterday. Ang pinsan na si Pilgrim ang nag introduce nito sa kanya.

Trust me, she's so fucking hot! naririnig niya pa sa kanyang isipan ang litanyang iyon ng pinsan. Tama nga naman ang mokong dahil noong makita ang babae ay talaga ngang hot ito! Kumain lang sila kagabi sa labas at napagpasyahan na muling magkita ngayong araw kung kaya't nandito siya ngayon sa may mall.

​Tumigil na ang ginagawa nitong pagtawag, mayamaya pa ay nakatanggap naman siya ng text message mula dito.

​What happened? Why you didn't answer my call? pagbasa niya sa text nito. Kung hindi lamang niya nakita si Miladel kanina at nilapitan ay paniguradong nasa isang maselang aksyon na sila ng babae ngayon.

​Muli ay iniangat ni Razor ang kanyang tingin sa dalawang kasama. Busy ang mag-ina sa ginagawang maliit na pag-uusap. Nang lumingon si Miladel sa kanya ay nginitian niya naman ito.

"Okay ka lang ba, Razor?" sabi ni Miladel sa kanya. Sa kabilang banda ay hindi niya alam kung bakit, pero parang ang gaan-gaan ng loob ni Razor kay Miladel. Attracted ang una sa pangalawa sa hindi malamang kadahilanan.

​"Oh, yeah!" muli siyang ngumiti dito. "I'm fine, don't mind me. Just eat." aniya, ibinalik ang cell phone sa kanyang bulsa, saka muling bumalik sa pagkain.

​"Siya nga pala, Razor, hijo." bahagyang tumikhim ang ina ni Miladel. "Paki sabi sa mama mo na sasama na kami ni Miladel sa darating na sabado."

​"Oh, that's good." he paused for a while. "Sasabihin ko po agad 'yan kala mama at papa pag-uwi ko, and for sure matutuwa ang dalawang 'yon!" Including me. Two days and one night with this girl in front of me? Hmmm... Let's see.

***

MEDYO gabi na noong maihatid ni Razor sina Miladel at ang ina nito. Sinamahan pa kasi niyang mamile ang dalawa ng mga panindang ilalaman sa sari-sari store na siyang kabuhayan ng dalawa.

​"Hijo, puwede na kami siguro diyan sa mag bungad." rinig ni Razor na sabi ng kanyang Tita Marissa.

​"Pero sa looban pa po kayo, 'di ba?"

​Tumango naman ang ginang sa kanyang sinabi. "Oo, pero masyado ka ng gagabihin kung ipapasok mo pa sa looban ang sasakyan mo. Saka puwede naman kaming mag tricycle na lang diyan."

​"Sigurado po ba kayo?" mula sa rearview ng sasakyan ay kay Miladel naman humarap si Razor. Pasimpleng bumulong. "'Ayos lang ba na dito na lang talaga kayo?"

​Tumango naman si Miladel sa kanyang tinuran sabay sabing, "Oo, okay lang naman kami na dito."

​Hindi naman na nakipagtalo pa si Razor. Inihinto na lamang niya sa may gilid 'yong sasakyan.

Matapos patayin ang makina ng sasakyan, ay kaagad na nagpaalam ang ina ni Miladel sa kanilang dalawa at sinabing tatawag lang ito ng tricycle driver sandali.

Nang makababa ay nag hari naman ang katahimikan sa kanilang dalawa. Sandaling nilaro-laro lamang ni Razor ang manibela ng kanyang sasakyan gamit ang kanyang isang kamay. Namamayani pa din ang katahimikan, kung kaya't naisip ni Razor na kausapin na muna ang babae.

"Miladel." pukaw niya sa atensyon nito.
Mukha namang malalim ang iniisip ng nasabing dalaga dahil halatang nagulat ito mula sa ginawa niyang pag tawag.

"Are you there?" nakatawang sabi ni Razor.

"Ewan! Nakakagulat ka kaya!" nakasimangot na sabi naman ni Miladel sa kanya.

"Sus!" nakatawa pa ding sabi ni Razor. "Ano'ng meron at bakit parang ang lalim 'ata ng iniisip mo?"

"Wag ka ngang tsismoso!"

"Ang sungit nito, oh!" sabi pa ni Razor, saka muling tumawa.

"Gusto mong sampalin kita?" medyo naiiritang sabi naman ni Miladel sa kanya. Akmang aalisin na nito ang seatbelt mula sa pagkakakabit no'ng muli siyang magsalita.

"Alam mo, ang ganda mo kapag naiinis." mabilis na inilapit ni Razor ang kanyang mukha kay Miladel. "And that's the reason why I badly want to kiss you!" mabilis pa sa alas kuwatro ang ginawang aksyon ni Razor, kaagad niyang inangkin ang mga labi ni Miladel.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon