Hello, tapos na 'tong story ko pero currently nirerevise ko siya ulit para gawing paperback or self publish book. Wala pang estimated price. Pero sana masuportahan niyo yong actual book. I will post din some details pa sa mga susunod na araw/update.
***
#11
HAWAK ang isang baso ng alak ay nakaupo si Razor sa veranda. Tahimik lang siyang nakikinig ng kanta sa ipad habang nakatingin sa kalangitan.
Pasado ala una na ng madaling araw at ilang oras na din ang lumipas noong matapos ang party na inihanda para sa kanya.
He doesn't know what's with him. Pero tila trip niya lang pagmasdan ang kalangitan ngayon. Para bang may kung ano ang nandoon sa itaas at mayroong tumatawag sa kanya, may nais ipaalala.
Sanda lamang na sinabayan ni Razor ang kantang kasalukuyang pinakikinggan. Napapikit siya noong maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat.
He missed this kind of feeling. 'Yong maramdaman ang hangin. 'Yong masinagan ng araw. Uminom ng alak, makinig ng musika, manuod at kung anu-ano pa. Kahit na simpleng bagay ay namiss ni Razor. He was very thankful that after what happened to him, still, he's here, alive and kicking.
"Thank you, Lord, for the second life," he murmured.
Ilang sandali pa'y nakarinig si Razor ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kanyang kuwarto. Mula sa pagkakaupo ay tumayo siya. Lumabas sa may veranda, binaybay ang silid patungo sa pintuan.
Pagkabukas ay kaagad na sumalubong sa kanya ang ama.
"Gising ka pa din." anito.
"Paano niyo po nalaman?" tanong naman ni Razor, mas lalo pang nilakihan ang pagkakabukas sa pinto. "Pasok ka po, Pa." yakag niya pa dito.
Nakita ni Razor ang ginawa nitong pag-iling. "Hindi na. Nakita ko lang kasi na bukas pa ang ilaw dito sa kuwarto mo."
Napakamot sa likurang bahagi ng ulo si Razor. "Aaah, kaya naman pala."
Ngumiti ang ama ni Razor, at saka siya marahang sinuntok sa kanang braso. "Naalala ko noong bata ka pa, hindi ka makatulog kapag nakabukas ang ilaw."
"Grabe, Pa! Naalala mo pa pala 'yon." nahihiyang sabi ni Razor, pakiramdam niya'y namula ngayon ang kanyang tainga.
Hindi niya maiwasan na maalala ang bagay na iyon, lalo na noong sa kuwarto pa siya ng mga magulang natutulog. Talagang gigisingin niya pa ang kanyang ama na natutulog na para lang ipapatay dito ang ilaw.
"But I'm glad that you're still with us, Razor. Lord gave you a second chance." wika ng ama. "Kaya magpakabait ka ng bata ka. Kundi ay baka matuktukan na kita! Tigil-tigilan mo na ang pagiging babaero, ah?" sermon pa nito sa kanya.
"Ewan ko sayo, Pa!" gusot ang ilong na sabi niya naman.
Matapos ang pag-uusap na iyon ay umalis na din ang ama ni Razor at bumalik na sa sarili nitong silid. Siya naman ay isinara na ang pinto, pinatay ang ilaw, at saka pabagsak na humiga sa kanyang kama. Tanging liwanag na nanggagaling lamang sa buwan ang nagsilbi niyang ilaw.
Napangisi si Razor nang muling pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ng ama.
"Tigilan ang pagiging womanizer? As if naman!" pumikit siya. "How can I do that? If I met this girl named Miladel."
-------
NAPABALIKWAS ng bangon si Razor. Muli ay nanaginip na naman siya ng kung ano. Pero kagaya ng mga nauna ay nanatili pa ding malabo ang mukha ng babae. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay ang mga eksena sa pagitan nila.
BINABASA MO ANG
Night Changes [Dreame app]
FantasyONE MONTH AGO, Miladel was involved in an accident. Since that day she can hear and feel ghosts, and also mythical creatures. Nang magpunta sila ng kanyang ina sa albularyo ay nalaman nilang bumukas pala ang kanyang third eye. Isang araw, habang...