Hindi ko pa nasabi kay Trish ang nangyari sa meeting pati na ang first practice ngayong araw. Ayoko muna ng negative vibes..gusto ko lang gawin ang dapat. Hindi na ako nakatulog sa kakaisip ng mga hakbang na dapat kong gawin.
Operation paano ko sya maging kaibigan.
Uo, kaibigan na muna. Kahit kaibigan nalang....muna."Manang alis na ako.."
Manang Ingrid is in the garden watering the plants. Sinabi ko na sa kanya kagabi na may practice ako ngayon. Bagamat sabado, wala namn talaga akong choice, besides magkikita kami ni Gab, magkakasama kami.
Saya di ba?
Pagdating ko sa School Gym nandoon na sina Trina and Gabriel.
Oh di na ang saya nga?
Naiiyak ako sa kasiyahan.
Round of applause para sa akin.Oh please Lord give me strength.
Napatigil sila sa pag hahabulan ng makita ako. Ngumiti si Gab at kumuha naman si Trina ng panyo at pinunasan ang pawis ni Gab.
Nang iirita ba talaga siya?
I looked away.Ngumiti ng hindi tumitingin. Nilapag ang gamit ko sa stage at inayos ang buhok ko. Mukhang may binulong si Gab kay Trina at tumango ito habang pumunta si Gab sa likod. Lumapit ako kay Trina nakangiting naghintay din sa akin.
Did she forget what she did yesterday?
"hi...so wala pa si Mam?"
Tanong ko sa kanya. Kailangan kong makipagplastikan ngayon.
"she's not coming..tatlo lang tayo ngayon..and by the way sorry for what happened yesterday.. I thought you're just someone who hates me because of my relationship with Gab. Hindi ko talaga alam na pareho kayo ng name at even initial..friends?'"
She offer her hand to me for a handshake.
Tama ka hindi talaga ako naiinis sayo..ang totoo bwesit ako sayo!
Inabot ko ang kamay niya at ngumiti..
"its okay..friends."
She smiled genuinely.
Bait bigla?
Umakyat na nga kami sa stage para magsimula. Si Gab hindi pa rin nakabalik. Gusto kong itanong pero ayoko rin maghinala siya.
Girlfriend nga sya di ba? Sya lang ang may karapatang makaalam ng lahat tungkol kay Gab. Siya lang.
First lesson is walking. To ramp like a queen.
She showed me how to do it. Honestly magaling nga talaga.
Mangha naman talaga ako sa babaeng ito, parang Megan Young pag naglakad.
"Chin up,chest out, stomach in,turso out and think murder.Let the weight in the hill not in the foot"
all I can say....It's so fucking hard. Paano nagagawa nya yon ng walang kahirap hirap?
Walk.
fall.
walk.
fall.
over and over again. Bakit ba ang hirap makuha?"it's okay...your getting there"
nakangiti pa niyang sabi. Kung hindi ba naman sinungaling. Hundred times na akong pabalik balik tapos getting there daw.
BINABASA MO ANG
LOVING FROM AFAR...
Teen FictionLove is sweet. Lahat ng tao nangangarap nang pag ibig. Peru paanu kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Would you chose to stay in love or to leave? That day when she witnessed his heartbreak was the day she vowed to love him forever. Time fl...