It's SATOORDAY!
Ito na yata ang pinakamagandang Sabado ng buhay ko. Ngayon ko lang talaga naaappreciate ang worth ng weekend. Bakit?
Tinatanong pa ba yan?
Kasi naman hindi ko makikita ang mukha niya,hindi ko maririnig ang boses nya,hindi ko maamoy ang pabango niya at hindi ako makikilig sa ngiti niya. Ganun lang yon. Ayokong mag isip. Ayokong maging malungkot sa araw na ito dahil gusto kong sumaya...yes magsasaya ako.Teka...panu nga ba?
Tamang tama rin na tumawag si Tricia kaya dali dali kong sinagot.
"hello Trish.."
jolly kong sagot.
"girl Im sorry hindi ko alam ang nangyari. Bakit ba kasi di mo sinabi e sana nadamayan kita. Kamusta ka na? Ok ka lang ba?.."
pag aalalang talak niya. Malamang nalaman na niya ang nangyari kahapon sa Canteen.
"Im okay kaya tama na yang drama..alam mo kung anu naiisip ko?"
"anu?"
"disco..party..club..night out..yon ang naiisip ko!"
Halatang nagulat siya at matagal bago umimik.
"seriously?"
Mukha ba akong nagpapatawa?
"yes and gagawin natin yan mamayang gabi.."
excited kong sabi sa kanya. Tumawa siya ng malakas na halos ayaw maniwala.
"if you'll continue laughing hindi kita isasama.."
"ok mamaya go tayo.Walang bawian ha?party talaga ha?"
agad niyang sagot na naging excited na rin.
"You have my words bitch."
"Akala ko ikaw yong bitch?"
Lokaloka. Paalala ba naman sa akin.
"Shut up ka na nga dyan. Dadaanan kita mga 7..okay?at may naisip na ako kung saan tayo pupunta.."
Excited talaga ako. Parang gusto ko ng gumabi agad. Marami kasi akong narinig sa bagong resto bar na pinagkakaguluhan ng mga kabataan.
"ok..see you then..bye.."
nagpaalam na rin si Tricia at bumaba na rin ako. Kailangan kong maabutan si Tita para makapag paalam. Timing rin at kumakain na rin siya ng breakfast.
"good morning my lady.."
sabay halik sa pisngi ko.
"good morning.."
I said at kumuha na rin ng cereal and bread.
"Tita can I ask a favor?"
Palambing kong tanong. Sana naman payagan niya ako.
"of course.."
"mmm..pwede ba kaming lumabas mamaya ni Tricia after dinner?"
Mas ginandahan ko pa ang pagkasabi.Tita seems so shock also.
"as in night out?"
Tumango ako.
"okay..no drinking kasi mga lalaki na sira ulo marami diyan at kailangan magsama kayo ng friends na lalaki para may magtatangol sa inyo.."
Napahinga ako ng malalim at niyakap si Tita.
"thanks Tita.."
"sige na mahuhuli na ako.."
Nagpaalan na rin sa Tita papuntang Restaurant at ako pagkatapos kumain bumalik na ulit sa kuarto para magpahinga. Kailangan talaga ready ako mamaya. Napapangiti.nalang ako habang iniimagine ang mangyayari mamaya. For sure it will be the best day of my life.
BINABASA MO ANG
LOVING FROM AFAR...
Teen FictionLove is sweet. Lahat ng tao nangangarap nang pag ibig. Peru paanu kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Would you chose to stay in love or to leave? That day when she witnessed his heartbreak was the day she vowed to love him forever. Time fl...