Naglalakad siya papalapit sa akin. Usual ang ayos ng buhok,nakasunglass,stripe polo shirt,casual gray short and a black vans shoes. Jusmiyo! Hihimatayin yata ako.
"Im sorry Im late.."
pagbati niya at nilagay ang baggage niya sa likod ng Van.
"are you okay Kath?"
tanong niya ulit sa akin. Naku Catherine ibuka mo na yang bibig.
"huh?yeah I am.."
I mumbled.
"allergy ka ba sa araw?namumula ka na.."
Sabi pa niya ulit at naconscious ako bigla. Hindi ako allergy sa araw peru bakit namumula ako?
"Oo..konti..halika na tara na.."
Dali dali kong iwas at pumasok na sa kotse. Hindi na ako tumingin sa kanya at nagkunwari na lang na busy sa phone. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. I was secretly staring in his finger crossing with each other. Para naman siyang walang ginagawa sa buhay. Maputi pa yata ang kamay niya sa akin. His legs are also moving tapping his feet on the floor. Hindi naman siguro siya kinakabahan.
"Okay ka lang ba talaga?"
Napatingin ako sa kanya. Letcheng mukha na to bakit naman masyadong guapo.Kainis.
"Medyo inaantok lang..hindi kasi ako masyadong nakatulog.."
Half truth. Half lie. Hindi talaga ako nakatulog peru hindi ako antok. Kinakabahan baka.
"Ano ba kasi iniisip mo bakit hindi ka na nakatulog?"
usisa niya pang tanong. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong kausapin.Mababaliw na talaga ako.
"Wala naman masyado."
Maiksi kong sagot. Deritso lang siyang nakatingin sa akin. Sinusubukan kong umiwas at magkunwari peru hindi yong titig niya sa akin ramdam na ramdam ko.
"what?"
Tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay. Ngumiti lang siya na parang may iniisip na nakakatuwa.
"ganun ba ako kaganda at ganyan ka makatingin?"
Pabiro ko sanang sabi peru parang hindi yata umubra. He was so serious at hindi pa talaga kumukurap. I look away outside the window and ignore him. Kung hindi ko siya kayang i beat ngayon paanu pa kaya for the next 5 days? It will be the worst week of my life.
An hour before ang flight nakarating na rin kami sa airport. Kinuha niya na ang mga baggage at ako ang pumila para sa terminal fee. Pumasok na kami para mag board.
"I think kailangan mong mag coffee..halika treat kita.."
Naupo kami sa isang coffee shop sa loob para magkape. Nagbabasa siya ng news kaya thank you hindi ko na kailangan ma intimidate. Business section iyon, naisip ko baka naghahanap siya ng news tungkol sa parents niya. The way his face reacts for sure pangit ang nababasa niya. He put the news in the side and gulp his coffee.
"How's your Mom and Dad?"
Hindi ko alam kung bakit ko natanong yon or kung gusto niya bang pag usapan.
"they are starting their new business in the states but for now its not really that good.."
paliwanag niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pag inom ng kape.
BINABASA MO ANG
LOVING FROM AFAR...
Teen FictionLove is sweet. Lahat ng tao nangangarap nang pag ibig. Peru paanu kung ang taong mahal mo ay may mahal ng iba? Would you chose to stay in love or to leave? That day when she witnessed his heartbreak was the day she vowed to love him forever. Time fl...