CHAPTER 15 : LAST CHANCE

193 3 1
                                    

DEJAVU.

Parang nangyari na ang lahat na magising ako at hirap  akong matandaan kung bakit ako nakahiga sa kama ko kung ang huling alala ko ay nasa school at nangangampanya para kay Gab. Anu nga ba ang nangyari.?

Tama.

Ayoko na palang alalahanin.

May kumatok sa pinto ng kuarto ko. Hindi ako sumagot peru binuksan ito at si Francis ang pumasok kasama si Manang Ingrid na may dalang mainit na sabaw. Nakangiti silang dalawa sa akin.

"ikaw yong...?"

tanong ko kay Francis. Tumango siya at naupo sa gilid ng kama ko.

". ito higupin mo to maya maya ha..iwan ko na muna kayo.."

sabi ni Manang at pinatong ang tray sa ibabaw ng study table ko bago lumabas ng room.

"thanks ha...mabuti nalang pala ikaw yon.."

naupo ako at sumandal sa dingding.

"sasabihin mo ba kung bakit ka umiiyak at tumatakbo kanina?"

tanong ni France.

"..wala..ang daming nangyari,naguluhan ako masyado kaya ayon napatakbo ."

sabi ko lang sa kanya. Kinuha niya ang sabaw at inabot sa akin. Sinimulan kong higupin iyon. Ang sarap sa pakiramdam.

"..alam mo maganda ka sana kaso may pagka tanga ka rin.."

pabiro niyang sabi sa akin. Tumawa ako ng mahina at ganun din siya. Tama din naman kasi, tanga ko talaga.

"..okay lang yon..hayaan mo susubukan kong magpakatino.."

tugon ko sa kanya at ngumiti siyang inabot ang walang laman kong bowl.

"..ako rin..susubukan ko rin.." malungkot niyang tugon.

"France...wag ka ngang ganyan.."

"..alam ko...sige na aalis na rin ako, napapadalas na yang himatay drama mo ha..baka na naman di na yan normal.."

alala niyang sabi.

"..wag kang mag alala..healthy ako no...salamat ulit ha.."

"oo na..kita nalang tayo bukas.."

paalam niya at lumabas na ng kuarto.

Bakit ganun?..Mabait naman si Francis at mahal niya ako bakit kailangan kay Gab pa ako magkakagusto? Hindi ba pwedeng mahal mo tapos mahal ka? Bakit lagi nalang ang mahal mo ay mahal ng iba? Ganun ba talaga ang love..complicated?

Ewan.

Kapag naaalala ko ang nangyari kanina parang ang sarap sapakin tong puso ko para mauntog..para makarealize kaso parang ganun pa rin eh. Siya pa rin talaga.

Baka tama nga naman..baka dapat matauhan na ako.

***********

Kung anu man ang mangyayari ngayong araw..bahala na.

"landi niyan.."

"oo nga two timer.."

"..baka 3.."

bulong dito.bulong doon. Yon ang nagwelcome sa akin.

Center of attention, kumbaga nasa front page. Ang nakakainis kasi ako ang nagmukhang masama. Ang galing..ang galing galing. Sinuot ko ang headphone at linakasan ang volume ng cp ko. Klarong klaro na ang boses ng kamikaze sa kanta nilang halik. Para lang akong nasa party.

Thanks God.

Kaya kong isnobin ang tingin peru hindi ang salita kaya mas okay na to.

Naupo ako sa bench sa harap ng room ni Mr. Oliver. Hindi ko alam kung may klase ba o wala.

LOVING FROM AFAR...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon