CHAPTER 10 : Party, War and Pain

199 5 0
                                    

Wala namang akong masyadong kaibigan. I never expected too much visitors kaya hindi ko maintindihan kung bakit kumuha pa talaga ng caterer si Tita Laura para lang dito. Anu to debut? Kaloka talaga .

"sigurado po ba kayo tita na kumuha kayo ng caterer?..baka 10 lang po ang bisita natin.."

Ngumiti lang si Tita Laura at nagmamadaling inayos ang nga gamit niya.

"..All seniors are going.. nakalimutan kong sabihin sayo na nag usap kami ng Gab na ipaalam sa lahat ang party..so iiwan na kita ikaw na ang bahala dahil baka bukas pa ako makakauuwi.Dadating  ang caterer bandang mga 5 mamaya at sila na mag aayos mamaya.."

What?..lahat?..Hindi totoo to, ako ang bahala sa buong senior class? Impossible!

"Tita!.. hindi.!!.masisira ang buong bahay..hindi pwede ako ang bahala."

"..sige na nagmamadali na ako..enjoy kayo okay?..Manang?"

Nakatulala na lang akong nakatingin sa kanila ni Manang Ingrid na nag uusap. Mababaliw na ako, may party mamaya dito sa bahay ko?...Please help me God! 

"I'm dead!"

Nagtataka si Tricia na nakatingin sa akin. Tinext ko lang naman siya na emergency kaya dali dali din siyang pumunta.

"..why?..what happen?"

Alala niyang tanong.

"..ang party mamaya....ininvite ni Tita ang buong senior class at sinabi niya sa akin na ako ang bahala...Im dead..Im really dead......"

Hindi pa ako tapos magdrama ng bigla nya akong hinampas sa kamay.

"ARAY!"

Pinandilatan ko siya ng mata. Bruhang kaibigan to.

"...yon ang emergency?.... alam mo ba na kinansel ko ng lunch date namin ni Mark dahil sa emergency mo?..alam mo ba yon?"

Inis na  inis niyang sabi.
Talaga? Lunch date?

"....Mark?...as in Mark Robles?..."

Seryoso ba siya..teka nga lang..

"..and hindi mo ba naiintindihan huh?...party dito sa bahay..buong senior class...alam mu kung paanu sila magparty...yon ang emergency..."

Ang gulo gulo na ng isip ko tuloy.

"..alam ko na yon...Tita Laura told me.. paanung emergency?... party nga diba kaya expect the worst!"

Sinisigawan na talaga ako ng babaeng to.

"...you don't understand!"

"I do!"

"you don't!"

"I do I always do...!"

"ayan na naman kayong dalawa..."

Napatigil kami sa pagsisigawan at tumingin kay Manang Ingrid na ngiti ngiti lang.

"..nagsisigawan ba tayo?"

tanong ko kay Tricia at tumawa nalang kaming dalawa. Baliw di ba?. Well ganun lang talaga kami ganun ka weird ang friendship namin. Sanay na sanay na si Manang Ingrid sa aming mga ugali kaya hindi nakakapagtaka na nakangiti lang siya habang nagsisigawan kami.  

"..anu nga ba yong pinag uusapan natin?"

Kunot ang noo na tanong ni Tricia sa akin. Oo nga naman anu nga ba ang pinag uusapan namin?...mmmmm.

"..Mark...may binanggit kang Mark.."

Tiningnan ko siya at iniwas niya ang tingin niya sa akin. May iniiwasan.

LOVING FROM AFAR...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon