CHAPTER 14 : PAIN IN GAIN

168 5 1
                                    

ILang araw na ring nagsimula ang campaign. Ilang araw ko na ring di nakakausap si Gab. Bagamat nakikita ko siya hanggang tinginan nalang kami dahil nakabuntot sa kanya si Trina at dahil kasama ko rin palagi si Adam. Yon din yata ang dahilan kung bakit mas lalong tumindi ang galit ni Trina sa akin.

Naisip ko simula ng nakilala ako ni Gab mas lalong dumami ang mga galit sa akin. Si Diane, si Trina at si Monique. Ewan kahit saan nalang ako magpunta marami akong naririnig na bulong bulongan. Wala naman akong pakialam sa kanila si Gab ang importante sa akin.

Speaking of Gab...hai parang nahuhuli na nga siya sa kampanya. Ginagamit ni Monique ang ganda niya para makuha ang sympatiya ng mga lalaki. Kaya din naman gawin ni Gab yon sa mga babae ang malungkot nga lang mas marami ng kalahati ang mga lalaki kaysa sa mga babae kaya lugi pa rin. Halos wala ng masyadong klase dahil sa kampanya nila. Kaya ngayon kailangan kong mag isip ng paraan para makatulong kay Gab.

"para saan ba kasi lahat ng to?halos lahat yata ng cartolina  dito nabili mo na.."

  nagtataka na si Tricia sa akin. Kasama namin si Mark na namimili.

"...basta..." 

maiksi kong sagot. Ayokong mag isip ng masama si Mark sa akin  kaya mas mabuting saka ko nalang sabihin kay Trish tungkol dito.

" ..baka naman para kay Gab yan ha?..."

sabi ni Mark.

"huh?..eh.."

anu ba yan panu niya naisip yon.?

"...sabi ko na nga ba eh gusto mo siya.."

dugtong niya pa sabay tawa.

Siniko na naman siya ni Trish na umiiwas ng tingin sa akin. Sinabi niya?...

"...Trish!" 

malakas kong sabi

"sorry...nadulas lang ako peru hindi niya sasabihin dahil pag sinabi niya magkakalimutan na kami.."

Tinaas ni Mark ang kamay na nangangako. Tiningnan ko siya ng nakakasindak na tingin.

"shut your mouth or else...I'll kill you!"  

banta ko sa kanya..

"...okay..okay...I promise..."

sunod niyang sagot.

Tumalikod na ako sa kanila at binayaran ang pinamili ko. Tinulungan ako ni Mark na ipasok sa kotse niya. Mabuti nalang at pinagdrive niya kami.

"anu ba kasi ang plano mo?.."

tanong ni Mark habang nagdadrive.

"ewan..gagawa ako ng campaign cards at ipamimigay..nag aalala na talaga ako kasi naman nadadaig na ni Monique sa ganda si Gab.."

paliwanag ko.

"eh di gamitan mo rin sila ng ganda..ganda laban sa ganda.."

tugon niya.

Napatingin kami ni Tricia sa kanya. Loko lokong lalaking to.

"...bakit..maganda ka naman..kung gusto mo talagang tulungan si Gab yon ang pinaka magandang paraan.."

paliwanag niya.

Tama naman..may punto siya peru hindi ako sure kung madadala sila sa beauty ko.

"..kaya ko kaya yon?"

tanong ko pa.

"...oo naman." 

sabay pa silang nagsalita. Ngumiti nalang ako. Tama ba to?..Bahala na talaga hanggat may ideya gagawin ko para sa kanya.

LOVING FROM AFAR...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon