CHAPTER 13 : PRETENTIONS

190 2 0
                                    

Natapos ang reporting at para akong binunutan ng tinik. Kahit papanu naiahon ko ang pagpapaliwanag. Thank you sa walang kwenta kong partner na nakatingin lang at pumalakpak.

Kapal ng mukha.

At anu pa ang nakakainis..?niyakap pa ako para ipakita sa lahat ang kanyang pagkaboyfriend. Mabuti nalang napigilan ng tingin ko si France kung hindi patay na naman.

Dahil na rin ngayon na magsisimula ang operation "magsyota" namin kailangan na namin sumabay papunta sa Canteen at ngayon pa lang gusto ko ng magsisi.

Nakahawak si Adam sa kamay ko at bitbit ang bag ko. Nakatingin na si Trina sa amin na nakaupo katabi ni Gab.

Wow.

Okay na agad sila. Galit ang tingin ni Trina sa akin peru hindi iyon ang pinansin ko kundi si Gab na nakatingin kay Trina. Papalapit na kami sa mesa nila at ng tumingin siya sa akin ngumiti ako at nawala ang konting tuwa sa puso ko ng umiwas niya ng tingin.

What?..Snob?

Nakakunot ang nuo ko na sumunod kay Adam papunta sa table namin ni Tricia. Napatayo si Tricia ng makita kami na magka holding hands. Kasama rin niya si Mark na nakatingin na rin kay Adam. Anu ba naman tong nangyayari. Pati lahat ng tao sa buong Canteen nakatingin na rin sa amin.

"hi.."  

maiksi kong bati sa kanila saka umupo katabi ni Adam.

"..anu ba ang meron bakit parang artista ka ngayon babe?"

Babe! Put*** Ina! Masusuka ako nito. Tumawa si Tricia sinipa ang paa ko.

"ouch!"

"..okay ka lang Gab?" 

tanong ni Mark. Tumango lang ako. Tumayo ako para kumuha ng makakain. Makahinga naman kahit konti.

"Gab...Trina.."

bati ko sa dalawa na nakapila katabi ko.Tumingin si Trina sa akin na nanlilisik ang mata at si Gab...hindi man lang narinig ang tawag ko. Anu ba ang nangyayari...hindi ko maintindihan.

"ay tipaklong!"

Napasigaw ako sa yakap ni Adam sa likod ko. Shit talaga siya. Napatingin na naman ulit si Trina sa amin na mas lalong lumala ang ekspresyon ng mukha.

Sige magselos ka pa!

"anu gusto mo babe?"

malambing na tanong ni Adam sa akin at kinuha ang tray ko para kunan ako ng pagkain. Napatingin na rin si Gab sa akin at umiwas ulit ng nginitian ko siya. Ano ba problema niya?

".ayoko ng kumain.."

sagot ko kay Adam at tumalikod pabalik sa mesa namin. Napatigil ako ng sinalubong ako ng nakangiting Diane.

"..Gab..I'm glad nagkajowa ka rin...at last hindi ka na mangugulo sa amin ni France.."

  mataray niyang sabi.

Hindi ba siya nag iisip?Ngayon pa talaga niya ako inukray kung kailan gusto kong magwala dahil sa pag deadma ni Gab sa akin. Hai naku Catherine Gabrielle stop yourself.

"..Diane...next time you'll talk to me I'll make sure isusumpa ka ni France.." 

mataray ko ring sagot at tinaasan siya ng kilay at tinalikuran. Letche siya ang sarap sabunutan.

"..this girl is on fireeeee!"  

pilyong sabi ni Mark at siniko siya ni Tricia.

"anu ba nangyari..?" 

LOVING FROM AFAR...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon