•Matandang Babae Sa Waiting Shed•Isang waiting shed na matagal ng nakatayo sa amin at punong-puno ito ng misteryo. Misteryong hanggang ngayon ay gumagambala parin sa mga tao dito. Kwento ito ni Aling Soling na lagi na lang nakakakita sa waiting shed na yun.
Si Aling Soling na ngayon ay 65 years old na! May asawa siya na farmer at walong anak.
Isang gabi ang hindi niya makakalimutan! Naglalakad daw siya nun para bumili sa tindahan ng kape at asukal! Nung pag tapat niya sa waiting shed ay may bigla na lang itong nakitang matandang babae na nakasuot ng itim na damit at may balabal din itong itim sa ulo dahilan para matakpan ang mukha nito.
Nagsitaasan daw ang balahibo ni aling soling sapagkat wala siyang kakilalang ganung tao sa aming baryo. Lalapit sana si aling soling sa matanda ng bigla itong nag laho na parang bula. At mag lalakad na sana si aling soling ng biglang hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa na tila may pumipigil sa kanya! Kahit anong lakas niya ay hindi niya ito maigalaw dahil ang lakas ng higpit sa kanyang mga paa.
Sumisigaw na siya ngunit walang nakakarinig sa kanya dahil ang lalim na nun ng gabi! Akala niya papatayin na siya ng itim na babae ngunit may biglang dumaan na lalaki at bigla na lang nawala yung kamay sa kanyang mga paa. Hinatid na siya ng lalaki at nag pasalamat ito sa kanya! Hindi din kakilala ni aling soling ang lalaki ngunit parang maamo ang kanyang mukha at gwapo itong lalaki na naka-suot ng puting damit at puti ding pantalon. Hindi na nag salita ang lalaki at umalis na ito.
Kinabukasan matindi ang lagnat ni Aling soling na animoy parang pwede ng mag luto ng sinaing na bigas dahil sa init nito. Itinakbo agad siya sa hospital pero hindi parin humuhupa ang init na nararamdaman ni aling soling hanggang sa naisipan itong ilabas na sa hospital at itakbo sa albularyo.
Nung pagkalapit lang ni aling soling sa albularyo ay bigla na lang itong nahilo!
Sabi ng albularyo na isa daw engkanto ang lalaking tumulong dito at mabait ito ngunit ang babaeng itim daw ang gustong kumuha sa katawan ni aling soling.
Mula noon lagi na lang nagtitirik ng kandila si aling soling sa tuwing sasapit ang piyesta ng mga patay sa waiting shed..
A/N
Hanggang ngayon po buhay pa po si aling soling:)Katakot yung babaeng itim..
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...