•Nagtatago Sa Dilim•Ito namang storyang ito ay galing kay lyn! Kung natatandaan niyo po siya...
Siya po yung naka-kita dun sa matandang naka-sombrero.
Nangyari daw ito nung fourth year high school kami at tila ba hindi daw ito tinitigilan o di kaya nama'y dinadalaw lang siya.
Habang nag iisa daw siya sa kanilang bahay ay hindi niya maiwasang matakot dahil nga sa nakaka-kita siya ng multo. Gabi pa daw nun nung hinihintay niya ang kanyang mga magulang na pumunta sa hospital dahil itinakbo daw ang kanyang auntie na mangaganak na daw.
Habang nanunood daw siya ng TV ay may tatlong beses daw na kumatok sa kanilang pintuan..Tumayo siya nun dahil ang buong akala niya ay ang kanyang mga magulang ngunit nagulat siya ng walang taong naka-tayo sa harap ng pintuan.
Nag taka siya nun dahil rinig na rinig niya mismo ang malakas na katok ngunit wala man lang tumambad sa kanya na tao.
"Ma! Pa" sabi daw nito at sa isang puno daw na hindi malayo sa kanya ay naka-kita siya dun ng anino..
Isang aninnong pamilyar sa kanya.
Kitang-kita niya daw sa kanyang anino na may naka-suot na sombrero sa kanyang ulo at may hawak din itong pantastas ng palay.
Bigla niyang isinarado ang pintuan dahil sa takot niyang baka bumalik sa kanya ulit ang matandang naka-sombrero na muntik ng kumuha sa kanyang buhay.
Akala niya'y muli siyang guguluhin ng matandang naka-sombrero ngunit nag kamali siya dahil yun na daw ang huling nakita niya ang matanda.
Sabi ng mga magulang niya ay baka daw dinalaw lang siya ng matanda dahil namimiss lang niya ito.
Hindi niya na ulit inalala pa ang matanda dahil alam niya na tahimik na siya sa kanyang tirahan.
..................

BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...