•HOSPITAL•This is my own story!
The names, characters, businesses, events and places are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental...
-------------
Ako si Fatima at isa akong nurse sa isang pribadong hospital. 23 years old na ako pero wala pa akong boyfriend at ayaw na ayaw ko ang mga lalaki. Maganda ako kaya hindi maipagkaka-ila na habulin ako ng mga lalaki.Kahit anong gawin nilang panunuyo ay hindi ko sila magawang sagutin dahil alam ko kung ano ang pakay lang nila sa mga babae. Katulad lang sila ng dad ko na iniwan kami nung bata lang ako at dahil dun nagkawatak-watak ang pamilya namin.
I don't need a guy in my life at kahit tumanda man ako ng walang asawa ay wala akong pakialam. At gusto ko na ang lahat ng mga lalaki ay mawala na dito sa mundo! Bitter na kung bitter eh gusto ko eh and i don't want to experience how the feelings of a broken hearted. Malas lang yang love na yan.
"Fatima may nag hahanap sayo" sabi ni erika ang isa sa mga kasama ko dito sa hospital. Agad ko namang binitiwan ang gunting na hawak ko.
"Sino daw?" Tanong ko.
"Si carlos yung manliligaw mo" sagot niya. Heto na nga ba yung sinasabi ko eh! Naiinis ako pag dating sa mga ganitong bagay! Gabi na pero nagawa parin niyang pumunta dito. Dahil sa tamad na akong mag lakad pababa ay nag elevator na lang ako.
Habang bumababa yung elevator ay parang tumataas naman yung balahibo ko. Habang hinihintay kung bumukas yung elevator ay may bigla na lang pumatak sa noo ko at nung pahidin ko ito gamit ang kamay ko ay laging gulat ko dahil isa itong dugo. Ginawa kung iangat yung ulo ko sa taas at mas lalo akong nagulat ng makita ko ang isang ulo ng lalaki na naka-tingin sa akin ng masama.
"AHHHHHHHHH" Sigaw ko at agad na bumukas yung elevator sa rooftop na kung saan ay madilim ang paligid. Teka hindi ito yung pupuntahan ko ah! Pinindot ko muli yung 1 pero hindi na ito gumagana. Parang kakawala na yung puso ko dahil sa lakas ng kabog nito! Wala akong nagawa kundi ang lumabas na lang.
Halos hindi ako maka-lakad dahil sa tindi ng tigas ng paa ko. Sa hindi kalayuan ay may nakita akong anino at tila ba naka-tingin siya sa akin.
"SINO KA?" Sigaw kung tanong at bigla na lang itong nawala.
"Papatayin din kita" isang malamig na tinig ang nangaling sa tainga ko at alam ko na nasa tabi ko na siya. Bigla na lang umangat yung buhok ko at sabay tapon ko sa isang maduming sahig. Tinamaan ang braso ko ng isang malaking pako na naroroon.
"Tigil niyo na ako" pagmamakaawa ko.
"Hindi kami titigil hanggat hindi ka namin napapatay" sabi nito na tila ba galit na galit. Agad akong tumakbo pababa ng rooftop! Alam kung mapapagod ako pero wala akong pakialam basta gusto ko pang mabuhay.
Nagulat ako dahil may nakita na naman akong isang lalaking walang ulo at may hawak itong kutsilyo! Hindi ko alam kung saan ako tatakbo pero nabuhayan ako nung maka-kita ako ng isa pang elevator kaya agad akong pumasok dun at muli kung pinindot ang 1.
Mabuti at gumana na siya!
Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator at wala ng katao-tao sa hospital. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si carlos na naka-upo at may dala itong boque na rosas at meron din itong chocolate. Nung nakita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin.
"Flowers and chocolates for you" sabi niya sabay abot sa akin ng dala niya. Pero imbes na matuwa ako ay nanlisik pa ang mga mata ko sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Tanong nito pero bigla ko na lang siyang sinakal at sabay pasok ko sa kanya sa isang laboratory.
"A...anong....gi...ginagawa mo" sabi nito na halos hindi na siya maka-hinga at sabay hampas niya sa akin kaya tumilapon ako.
"Baliw ka ba?" Galit nitong sabi.
"Hindi mo ba ako mahal carlos? Carlos niloloko lang kita" sabi ko sabay lapit sa kanya at sabay halik ko sa kanya pero ang hindi niya alam ay may naka-tagong gunting sa kamay ko at sabay saksak ko sa mata niya.
"Ahhhhhhhh" sigaw nito.
"Hahahahahaha mabuti nga yan sayo! Sabing ayaw ko sa lalaki eh tapos nanliligaw ka pa! Ayan tuloy nasasaktan ka" sabi ko dito at muli na naman akong tumawa na parang demonyo.
"Lang hiya ka! P*ta ka!" Galit nitong sabi. Kinuha ko ang isang chemical na nakaka-sunog ng katawan at sabay buhos ko sa kanya kaya muli na naman siyang sumigaw dahil sa sakit.
"AHHHHHHHHHHH!!!" Sigaw nito na naka-higa na sa sahig.
Ayan ang mga nararapat sa inyong mga lalaki kayo! Gusto kung mabura na kayo dito sa mundo at papatayin ko kayong lahat! Hahahaha!
Puma-ibabaw ako sa kanya at sabay saksak ko ng ilang beses sa mukha niya at pati na rin sa dibdib niya.
Itinuloy ko yun hanggang sa mawalan na siya ng buhay. Nung tadtad na yung katawan niya ng saksak ay ginuyod ko na ito at ipinasok sa elevator para dalhin ito sa rooftop.
Nung pag bukas nung elevator ay tumambad sa akin ang sampung lalaki na naka-tayo sa di kalayuan. Itinapon ko dun ang katawan ni carlos.
"Ayan meron na ulit kayong bagong kasama!" Sabi ko.
"Ang sama mo!" Isang boses na alam kung si papa iyon. Hahaha oo pinatay ko na din ang sarili kung ama! Mga walang kwenta sila sa mundo!
"Tumahimik ka" sabi ko at muli na akong bumaba pero hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin nung pagka-baba ko.
"Inaaresto ka namin" sabi ng police at nakita ko dun si erika na umiiyak at naka-tingin sa akin ito ng masama.
Alam ko na kung sino ang nag sumbong sa mga police! Walang hiyang erika!
"Demonyo ka fatima! Baliw ka! napaka-sama mo!" Galit nitong sabi at sabay sampal nito sa akin.
"Hahahaha wala ka ng pakialam dun! Kung gusto mong pumatay! Pumatay ka rin wag mo akong pakialaman!" Sagot ko at sabay sakal ko sa kanya at itinutok ko pa sa kanya yung kutsilyong dala ko.
"Subukan niyong arestuhin ako! Papatayin ko itong babaeng ito" galit kung sabi.
Yung isang pulis ay itinutok niya yung baril niya sa akin! Akala ko hindi niya yun ipuputok pero nagulat ako ng bigla niyang iputok iyon sa akin at tinamaan ako sa tiyan at sa dibdib kaya napa-higa ako sa sahig ng duguan at dun ko nakita ang isang anino na may dalawang sungay sa ulo at sinusundo na daw niya ako.
Erika's POV
Isang buwan na ang nakaka-lipas mag mula nung may mga kababalaghang nangyari sa Hospital!Kitang-kita ko kung paano patayin ni Fatima si carlos kaya hindi na ako nag dalawang isip na isumbong siya sa police at yun din ang araw na nawala na siya sa mundo.
Alam ko na nasa kampon na siya ni satanas dahil sa mga ginawa niya! Lahat ng mga magulang ng mga pinatay niya ay galit na galit sila sa kanya.
Nalibing na rin ang labing isang bangkay na nasa rooftop ng hospital at kabilang na dun si carlos.
Dahil sa mga nangyari ay marami ng nababalot na kababalaghan sa hospital na yun. Hanggang ngayon ay hindi pa natatahimik ang mga ibang kaluluwang naroroon.
Nandito ako ngayon sa puntod ni fatima at ibinigay ko lang sa kanya yung bracelet na ibinigay niya sa akin tanda ng pagkaka-ibigan namin.
Hindi ko lubos maisip na meron palang sakit sa pag-iisip si fatima! Kaya pala ganun na lamang ang galit niya sa mga lalaki at ang sariling ama niya ay pinatay pa niya.
Siguro naiwan na ang sumpa ni fatima sa hospital na yun.
Ang hospital na yun na marami ng kaluluwang naninirahan.....
The End!
A/N
Sorry kung ito lang ung nakayanan ko;)I hope you enjoy:)
Thank u:)
You can share your True story!
By:DM_DreamLove
![](https://img.wattpad.com/cover/83718219-288-k523294.jpg)
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
HorrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...