True Story 18

447 15 0
                                    


•Kalaro•
Ito po ay nangyari sa pamangkin ko at ang ate ko!

Nakikita niya pero hindi nakikita ng iba...

Umaga nun habang nag lalaba ang ate ko at yung pamangkin ko naman ay nag lalaro sa labas ng bahay namin. Nung una daw ay hindi ito nag sasalita basta naglalaro lang daw siya.

Ilang saglit lang ay meron na siyang kausap na hindi naman nakikita ng ate ko. Ito po yung sinasabi ng pamangkin ko.

"Dito ka lang ah kasi kuha ako ng kutsara" sabi nito at sabay kuha ng kutsara sa isang kahon na pinaglalagyan ng kanyang mga laruan. 3 years old lang ang pamangkin kung lalaki pero napaka-daldal niya na at daig pa niya ang mga grade one kasi siya alam niya nang i-define kung ano ang mga pangalan ng mga hayop at marami na siyang alam na kanta at memoryado pa niya ito.

So dahil dun nag taka ang ate ko at tinanong niya yung pamangkin.

"Bo sinong kausap mo?" Tanong ni ate.

"Ito! Nag lalaro kami" sagot miya sabay turo sa kawalan. Dun na tumaas ang balahibo ng ate ko kaya agad niyang iniwan ang mga labada niya at kinuha ang pamangkin ko para pumunta sila sa kabila naming bahay.

Nung kinuha ni ate yung pamangkin ko ay bigla na lang daw itong umiyak ng napaka-lakas tapos sabi pa niya na ayaw niyang pumunta sa bahay namin kasi wala daw siyang kalaro at habang hawak ni ate yung braso ng pamangkin ko ay para daw may ibang nakakapit sa kamay niya at ewan niya kung ano yun.

Dahil sa nangyaring iyon ay nagka-sakit si ate at sumusuka lagi ito,kaya naman itinakbo na namin siya sa albularyo at talagang sumama ako nun.

Ito ang sabi ng albularyo..

"Binulabog mo ang paglalaro nila! Galit sayo ang bata kaya bumabawi siya...kailangan mong mag alay ng kandila at pagkain at humingi ka na din ng kapatawaran"

Dahil dun ginawa ni ate ang utos ng albularyo at simula nun ay gumaling na siya. Hindi niya lubos maisip na may kalaro pa lang iba ang pamangkin namin at sa pagkakataong nakikita niyang nag sasalitang mag isa ang pamangkin namin ay pinapabayaan niya na ito..

At syempre ganun din ako! Minsan nadadatnan kung nag sasalitang mag isa pero hindi ko na lang ito pinapansin..bagkus nag darasal na lang ako para lumayo ang masamang ispirito na yun...

A/N
Don't shy to share your story:)

I'll be waiting for that:)

Vote.comment.follow.share.

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon