•Iyak•Kwento naman ito ng aking pinsan at ang dalawa nitong kaibigan.
Isang araw daw ay may ibinigay ang kanilang guro na isang project na kanilang gagawin. Silang tatlo daw nun ang napiling mag kakasama na gagawa ng project at nag volunteer daw si jane na sa bahay na daw nila gagawin yung project nila. Pumayag naman sila dahil daw si jane lang yung may kaya sa kanila at malaki daw ang bahay nila.
Nung pag pasok pa lang daw nila sa bahay ay para daw may kakaiba na silang nararamdaman at habang ginagawa daw nila yung kanilang project sa likod daw ng bahay nila jane ay may narinig daw silang iyak na tila ba humihingi ng tulong.
Tumaas nun ang kanilang balahibo at hindi nila mapigilang tumakbo sa loob ng bahay nila jane.
Sinabi daw nun ni jane ang kanilang narinig at ang sabi daw ng mama niya ay dati daw ay tapunan ng mga patay na tao yung likod bahay nila at malamang daw na ang kanilang narinig ay yung babaeng ginahasa at pinagsasaksak ng kutsilyo at kasing edad lamang daw nila yung pinatay.
Ang ginawa na lamang nilang tatlo ay nag tirik ng kandila sa likod at nag alay daw sila ng dasal.
........................
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...