•Sinusundo Na Siya•Ito po yung pangyayaring hindi ko makakalimutan!
Grade 4 ako nung mangyari ito sa akin! Hindi ko na matandaan ang exact date pero ito yung araw na mawawala si lolo! Siya yung lolo ko na mahal na mahal ko.. Marami siyang apo pero ako yung pinaka-paborito niya!
Kakauwi ko lang galing sa eskwela at sakto na nagluluto nun si mama! Hindi ako nagbabaon nun kaya ang itim-itim ko kasi kahit wala akong payong nag lalakad parin ako.. Eh hindi ko naman alam yun kasi bata pa ako nun eh tapos laro lang yung inaatupag ko hindi yung sarili ko.
Nung nakarating ako ng bahay ay bigla akong pumunta sa kusina para hintayin yung niluluto ni mama.. Habang hinihintay kung maluto yung ulam ay may bigla na lang kaming narinig na nagsisi-iyakan! Hindi ko alam kung ano yun pero bigla na lang akong pumunta dun sa kinaroroonan ni lolo sa kwarto niya.
Naka-bukas yung pinto kaya agad kung nakita yung mga tita at tito ko na umiiyak na! Hindi ko nun maintindihan kung anong nangyayari pero bigla na lang sumigaw yung isa kung tita at doon ako nagising sa katotohanan.
"TAY GUMISING KA! WAG MO KAMING IWAN! ITAY" sigaw nito kaya naman napatakbo ako nun sa kwarto ni lolo at doon ko siya nakita na hindi na humihinga at ang ikinagulat ko ay yung sinabi ni mama.
"Alam na namin na mawawala siya kasi sinusundo na siya ni Ina kagabi pa! Ilang beses na may kumatok sa pintuan nung saktong hating gabi tapos pati yung aso ungol sila ng ungol kahit wala namang tao" sabi ni mama. Sumagot naman yung ninang ko.
"Kaya pala may tinuturo siya kanina sa tapat ng pintuan! Sabi niya kukunin na daw siya"
Lahat kami ay nagsitayuan ang mga balahibo dahil sa mga pangyayaring kasindak-sindak...
A/N
Miss ko na si lolo:(
I love you lolo....
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
HorrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...