True Story 3

977 26 0
                                    


•Tsinelas Na Walang Paa•

Tawagin na natin siya sa pangalang Ate Andang! Siya ay isang babaeng tahimik pero may tinatagong kakayahan! Kakayahang makakita ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng mga ordinaryong tao.

Grade 6 siya nung mangyari sa kanya yung isang bagay na sariwa pa sa kanyang isipan! Nag eensayo sila nun para sa nalalapit nilang kompetasyon sa isang ballroom dancing na kung saan grade six lang daw ang pwedeng sumama.

Nung matapos silang nag ensayo ay sinasama siya ng kanyang kaklase na bumili ng ice water dahil uhaw na uhaw na sila pero hindi sumama si ate Andang bagkus nagpa-iwan siya para mag pahinga! Walang nagawa ang kanyang mga kaklase ko din iwan na lang siya.

Habang mag isang nakahiga ang ulo ni ate andang sa armchair ay may bigla na lang siyang narinig na mga yapak ng paa. Akala niya yung mga kaklase niya na pero nagkamali siya dahil nung pagkalingon niya sa tapat ng kanilang pinto ay may nakita siyang tsinelas na duguan at kusa itong nag lalakad palapit sa kanya..

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Ate andang at hindi siya makatakbo dahil sa nginig ng kanyang mga tuhod! At ilang minuto ang lumipas ay nag bago ang itsura ng kanilang classroom naging kulungan daw ito ng mga babaeng nagsisi-iyakan dahil pamamalo ng mga kastila.

Hindi na nun makahinga si ate andang dahil sa takot na nararamdaman niya pero nag dasal siya na sana ibalik na daw siya sa katinuan at ng ilang segundo lang ang nakalipas ay nag balik na ito sa dati at nawala na din yung tsinelas na walang paa.

Dali-daling tumakbo si ate andang palabas ng kanilang classroom at nag tungo ito sa kanyang mga kaibigan.

A/N

Kwento po yan sa akin ng pinsan kung kaibigan ni ate andang at ngayon po ay may asawa na po si ate andang:)

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon