•Bantay Sa Kabilang Buhay•This is my true experiece!!
Third year high school ako nung mangyari ito sa akin! Wala ako nung kasama sa bahay kasi bale dalawa yung bahay namin yung isa nasa kabila at dun naman natutulog sina mama at papa pati na din sina kuya at yung asawa niya. Yung dalawa ko kasing ate ay nasa maynila at nagtratrabaho sila dun pati na din yung isa kung kuya... Ako po yung bunso sa amin.
So mag isa lang ako nun at hindi naman ako natatakot kasi katabi lang namin yung mga bahay ng mga auntie! Habang natutulog ako ay bigla na lang nagsitahulan yung mga asawa ng mga auntie ko! Halos lahat ata ng aso sa amin ay umuungol na para bang may tao silang nakikita! Pero sabi nila kapag umungol daw yung aso ay may nakikita daw silang multo kaya naman nakaramdam ako ng takot at lamig ng pawis.
Isang oras na yung lumilipas ay hindi parin sila tumitigil sa pag tahol kaya naman halos hindi ako maka-tulog tapos ang daming pumapasok nun sa isip ko na baka mamamatay tao yung nakikita nila. Dahil sa hindi ko na kaya ay tumayo na ako para tignan kung ano ang nakikita ng mga aso.
May maliit na butas sa amin kaya naman doon ako sumilip at laking gulat ko ng makita ko ang isang napakalaking anino na para bang kapre at mahaba ang buhok nito na daig pa ang mga babae. Halos hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ngunit pinilit kung tumabok sa kwarto ko at isinara ko agad yung pintuan.
Kinabukasan habang natutulog ako ay naririnig kung may pinag-uusapan ang mga tita ko kaya naman lumabas ako at ito yung mga sinabi nila.
"Grabe ang laki-laki niyang tao tapos pinipilit pa niyang makapasok sa bahay ng bayaw ko! Ang lakas ng katok niya" parang biglang pumasok sa isip ko yung nakita ko kagabi kaya naman sinabi ko sa kanila yun.
"Hindi yun kapre! Bantay sa kabilang buhay yun! Sumama siya sa tito mo nung nakilamay siya sa tatay niyang namatay! Eh ngayon sinunog niya na yung damit na sinuot niya nung siya'y nakilamay para hindi na siya sundan nung bantay baka kunin pa siya" sabi nung tita ko.
Dun ko napagtanto na hindi pala kapre ang nakita ko at isa palang bantay sa kabilang buhay.
A/N
Ngayon ayaw ko ng mag isa! Takot na ako....
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
HorrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...