True Story 13

487 13 0
                                    


SANIB•
Ito na po yung kasunod ng chapter 12;)

Rinig na rinig namin ang sigaw ni Ann habang kami naman ay nagpa-panic na dahil sa takot na baka ay atakihin kami ni Ann sa loob ng classroom namin dahil katabi lang ng classroom namin yung clinic.

Havang tumatagal ay mas lalong lumalakas yung sigaw ni Ann na animo'y galit na galit siya sa mundo! Hindi ko alam pero parang hindi na boses ni Ann yung naririnig ko! Ibang-iba na yung boses na naririnig ko... kita din na ilang beses may dalang gamot yung guard namin para kay ann pero kahit naka-ilan na sila ay hindi parin tumitigil sa pag sigaw si Ann.

Ilang minuto lang ang lumipas ay pinatunog yung bell! Akala ko nun pauuwian na kami pero ang sabi nung adviser namin ay kailangan naming pumuntang lahat sa gym para alayan daw ng dasal si Ann.

Nung naka-punta na ang lahat sa gym ay hindi mawari sa mukha ng mga estudyanteng tulad ko ang takot dahil sa mga nangyayari.

Ilang segundo lang ay inilabas na si Ann ng apat na lalaki habang lupasay at hinang-hina na si Ann sa clinic! Nakita din namin ang mga magulang nito na umiiyak na dahil sa nangyayari sa anak nila. Hindi namin lubos maisip na mangyayari kay Ann itong bagay na'to! Nung nasa gyn na sila ay inilagay si Ann sa stage at pina-upo ito sa mono block habang naka-tali ang paa at kamay nito.

Nung inumpisahan na namin ang dasal ay bigla na lang siyang nagsisisigaw at galit na galit itong kumilos.

"TUMIGIL NA KAYO! TULUNGAN NIYO AKO! MAAWA KAYO SA AKIN HHUHUHU" Umiiyak nitong sabi. Lumipas lang ang ilang minuto ay bigla na lang siyang tumingin sa likod nung isang estudyante sabay sabing...

"ANAK KOOO!!" Sigaw nito at bigla na lang nahilo yung babaeng estudyante at yun ay dahil sa sumapi ulit yung sinasabi niyang anak niya. Dahil sa takot na ang lahat ay nag kagulo sa loob ng gymnasium lahat kaming mga estudyanteng naroon ay tumakbo dahil sa takot na baka kami ang sumunod.

Nung pagkarating namin sa classroom ay umiiyak na ang lahat! At may bigla na lang ulit nahilo sa amin kaya agad itong itinakbo sa clinic. Hindi ko na alam nun ang gagawin kaya lumabas mo na akong classroom namin pero nung pag labas ko ay isa-isang dinadala ang mga babae sa clinic dahil sa sunod-sunod silang nagsitumbahan.

Marami ng mga babae ang nasasapian sa gym at dun ko nakita yung isa kung pinsan na nasasapian din! Alam ko na siya yun at kita ko ang panlilisik ng mata nito. Muling pinatunog ang bell at yun ay kailangan na naming umuwi. Lahat ng mga estudyanteng naroroon ay agad na nag sitakbuhan kahit ang lakas ng ulan! Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na din at tumakbo kahit umuulan ay hindi ko na ito pinapansin...

Kailangan kung sabihin sa uncle ko ang nangyayari sa kanilang anak. Kahit nasa labas na ako ay rinig parin ang sigaw ng mga babaeng nasasapian at ramdam mo pa din ang pagtaas ng balahibo mo kahit nasa labas ka na ng eskwelahan.

A/N
Mababasa niyo rin kung anong dahilan bakit nasapian ang mga estudyante...

Matutuklasan niyo din un pero hindi pa ngayon...

Surprise na lang:)

#DTHSC

By:DM _DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon