True Story 16

446 15 0
                                    


•Pagpaparamdam Ni Rico•

Nangyari ito matapos ang aksidente kay Rico.

Hating gabi na daw nun at mahimbing ang tulog ng mga tao sa kanila ng gisingin sila ng ungol ng mga aso na halos daw ata ng aso sa kanila ay umuungol. Ang mga taong mahimbing daw ang tulog ay nagising dahil nakaka-pangilabot na tahol ng mga aso.

Hindi nila lubos na maisip kung ano ang dahilan kung bakit tumatahol ang aso sa kanila! Wala naman daw silang taong nakita nung lumabas sila pero parang may kakaiba daw sa ihip ng hangin.

Isang tinig ang narinig nila mula sa kalsada na tila ba umiiyak ito! Ang nanay mismo ni Rico ang naka-kita sa kanya na umiiyak at humihingi ng saklolo. Bigla na lang daw nagsitaasan ang balahibo niya dahil sa kanyang nakita at tila daw nabubunot ang mga buhok niya.

Nung isang kurap lang daw niya ay bigla na lang nawala na parang bula si Rico hanggang sa nag sidatingan ang mga tanod sa kanilang bahay at sinabi rito ang nakaka-sindak na nangyari sa anak niyang si Rico.

Halos daw matumba si aling mercy sa kanyang kinatatayuan dahil sa masamang balita  na hatid ng mga tanod sa kanya. Hindi niya lubos akalain na kaluluwa pala ng kanyang anak ang kanyang nakita kanina.

Wala man lang daw siyang nagawa sa anak niyang humihingi ng tulong at dun na nagsitayuan ang mga balahibo ng mga tao dun dahil daw tumatahol ang halos lahat ng aso sa kanila ay dahil dumalaw ang kaluluwa ni Rico.

A/N
If meron kayong nakaka-takot na experience wag po kayong mahiyang ibahagi yan sa akin dahil isusulat ko po yan dito sa DM_DreamLove True Horror Story Collection..

Aasahan ko po yan:)

PM me dito sa wattpad o di kaya'y sa FB:)

FB account: Mario Fernandez(DM_DreamLove)

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon