True Story 19

421 13 0
                                    


•Matandang Naka-sombrero•
Ito po ay storya ng kaklase ko sa akin na tawagin na lang natin sa pangalang lyn.

Bata pa lang daw siya ay nakaka-kita na daw siya ng multo at isa na dun ang nakita niyang matandang lalaking naka-sombrero sa isang bakanteng lote at may dala itong palay na tila ba magsasaka ito.

Hindi niya na lamang ito pinansin dahil tumaas na daw ang kanyang balahibo nung gabing yun pero ang akala niyang matatahimik na siya ay hindi pa pala sapagkat sinundan ito ng matanda.

Tatlong araw daw siyang hindi maka-tulog at makakain dahil sa lagi niyang nakikita ang mukha ng matanda at tila na kinukuha na siya nito. Ilang albularyo na din ang gumamot sa kanya pero hindi parin ito tumitigil.

Isang gabi daw habang natutulog siya ay napanaginipan daw niya yung matanda at sabi niya rito na wag daw ibenta ang lupa. Nung kina-umagahan nun ay naki-usap ang pamilya ni lyn sa may ari ng lupa at sinabing wag na lang ibenta ang lupa at baka daw kasi ay hindi lang ang anak niya ang kukunin baka daw maging sila ay madadamay pa.

Dahil sa takot ay hindi na nila ibininta ang lupa at dun na tumahimik ang matandang naka-sombrero pero minsan daw ay meron paring nakaka-kita sa matandang yun.

Sabi ng mga albularyo na bantay daw siya sa lupang iyon at iyon daw ang tirahan niya.

A/N
Tumaas yung balahibo ko nung sinasabi ito sa akin ni lyn.....

You can share your true story readers:)

Just PM me:)

vote.comment.follow.share.

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon