•Sa Tuwing Hating Gabi•Si lory ang sunod nating itatampok sa storyang ito na hanggang ngayon ay bulong-bulungan pa sa amin ang kanyang malagim na sinapit.
Pitong taong gulang palang daw siya ng nakitaan siya ng kakaibang kakayahan na maka-kita ng mga kaluluwa.
19 years old daw siya nung nangyari ang isang kababalaghang hindi pa rin nila lubos na matanggap.
Lagi daw siyang nananagip ng isang itim na babae at tila ba gusto niya itong makuha. Tuwing sasapit daw ang hating gabi ay lagi daw siyang nag sasalita ng hindi nila alam ang ibig sabihin nito.
Ilang albularyo na din ang kanilang tinungo ngunit ni isa ay walang naka-gamot kay lory. Kahit daw sa doctor na kanilang pinuntahan ay wala daw nakitang sakit kay lory.
Isang gabi daw ang hindi nila malilimutan. Habang natutulog daw ang kanyang ina ay bigla na lang daw sumigaw si lory at umiiyak na ito. Pilit ginigising ngunit hindi niya maimulat ang kanyang mga mata.
Tinawag na daw ng kanyang ina ang mga kapatid nito para tulungan siyang gumising. Ilang beses ng ginigising si lory ngunit hindi parin nito maibuka ang kanyang mata.
Ilang saglit pa daw ay bigla na lang daw nag karoon ng tubig ang kanyang bibig na tila ba nalulunod ito. Umiiyak na daw ang kanyang ina dahil parang malamig na bangkay na daw si lory.
Ilang segundo lang daw ang sumapit ay bumangon ito na tila ba hinahabol siya ng kabayo dahil sa hingal nito.
"Nay kinukuha niya po ako" umiiyak na sabi ni lory.
Hindi nila lubos maisip na ang babae sa kanyang panaginip ay ang kanyang ate na nalunod dahil sa lakas ng alon sa dagat.
Dun nila napag tanto lahat na siya pala ang kumukuha ng buhay ng kanyang kapatid.
.......................
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
HorrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...