•Panaginip•Ito po ay totoong nangyari sa aking pinsan na tawagin na natin sa kanyang pangalan na Gel...
Kwento niya sa akin na lagi daw siyang nananaginip ng mga masasamang panaginip at yung ibang napapanaginipan niya ay nagkakatotoo..
Isang gabi daw nung siya'y natutulog ay bigla na lang daw niyang nakita ang bahay nila na ang daming tao... Hindi niya alam kung anong nangyayari dahil kakarating lang niya galing sa school..Sinubukan niyang mag tanong pero walang sumasagot sa kanyang tanong!
Hanggang sa palapit na siya ng palapit sa kanilang bahay at dun niya nakita ang kanyang kapatid na nakahiga sa kabaong... Hindi daw siya makahinga dahil sa nakita niya! Apat na taong gulang lang ang kanyang kapatid at imposebleng mamatay lang siya ng ganun-ganun lang...
Hanggang sa napagtanto niya na isa lamang iyong panaginip! Akala niya ay totoo na..Pero dahil sa panaginip niya ay nagkasakit ang kanyang kapatid! Tinutubuan ito ng mga sugat sa kanyang mga katawan.. Ayaw niyang mangyari yung mga napanaginipan niya kaya naman nag dasal ito na sana hindi mag katotoo ang kanyang panaginip at dininig naman ang kanyang mga panalangin... Gumaling ang kanyang kapatid at hindi nangyari sa kanyang kapatid ang masama niyang panaginip...
Sabi niya sa akin hindi lang daw ang kanyang kapatid ang nakikita niya sa kanyang panaginip kundi ang buo niyang pamilya..Nakita niya na daw ang papa,mama at kuya na nakahiga sa kabaong at sa tuwing nananaginip siya ng ganito ay nagkakasakit ang kanyang pamilya..
Sabi ko naman sa kanya ay baka may kakayahan siyang itinatago..
A/N
Sorry kung short lang siya ..Sana na enjoy ninyo:)
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...