•Lumang Bahay•Naalala ko po itong nangyaring ito sa akin when i was 12 years old at hindi ko lubusang maisip na yun pa ang makikita namin! Oo hindi lang ako ang naka-kita kundi tatlo kaming naka-kita sa kanya. Hayaan niyong ibahagi ko itong nakaka-sindak na n angyari sa aming tatlo.
Habang naglalaro kami ng txt! Alam niyo pa ba yung larong yun? Yun yung laruan na gawa sa papel at may mga characters ang naka-guhit dun. So ganun nga yun! Habang nag lalaro kami ay bigla na lang bumuhos ang napaka-lakas ng ulan na animo'y wala ng katapusan.
Dahil bata pa kami nun ay nag hanap kami ng masisilungan namin para dun na din mag laro. Wala na kaming ibang makita nun kung di ang isang lumang bahay na matagal ng naka-tayo pero walang sino man ang nakatira dito. Kahit marami ng naging bulong-bulungan sa bahay na'to ay nagawa pa naming pumasok dito dahil na rin sa wala na talaga kaming matutuluyan at baka magka-sakit pa kami.
Pumasok kami dun ng wala man lang nakakaalam at hindi namin alam kung magiging ligtas pa kami dahil sa bahay na yun.
Nung una naming pagpasok ay bumungad sa amin agad ang isang maalikabok at masapot na loob ng bahay at marami din itong nasirang mga gamit. Alam ko nun sa sarili ko na parang merong nakatingin na sa amin at tumaas na nun agad ang balahibo ko sa hindi ko alam na kadahilanan.
Habang nasa loob kami na tahimik! Oo as in walang umiimik nun sa aming tatlo at tila ba para kaming pipi na hindi makapag-salita. Basta ang tahimik naming tatlo nung araw na yun.
Ilang minuto yung naka-lipas ay nakaramdam kami ng isang balibag na tila ba may nahulog na isang bagay. Agad kaming nag yakapan na tatlo dahil sa takot at halos mahulog ang mga panga namin dahil sa nginig na nararamdaman namin.
Habang nagyayakapan kami ay may bigla na lang umihip na hangin! Kakaibang hangin! Sa kasuluk-sulukan ng isang kwarto ay may nakita akong babaeng matanda na may hawak na isang bata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nun pero nakita din pala ng mga kasama ko ang nakikita ko.
Ang hawak nitong bata ay naka-supot sa isang plastic at parang nalalagas na ang katawan nito at ang matanda naman ay natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok kaya hindi namin makita ang kanyang mukha at naka-yuko din ito. Halos hindi kami maka-kilos dahil sa takot na nararamdaman namin! Ilang segundo lang ang nawala din bigla yung nakita namin kaya dun na namin nagawang tumakbo para makalabas sa nakaka-takot na bahay na yun.
Yun yung araw na hinding-hindi ko makakalimutan dahil ang sabi sa amin ang nakita daw namin ay ang may ari daw ng bahay na matagal ng namatay dahil sa pangaganak at hindi nito matanggap ang nangyari kaya hindi pa siya nakaka-punta sa dapat niyang puntahan..
Hindi lang daw siya ang nasa loob kundi marami pa daw sila! Bahay na daw ng mga multo ang lumang bahay na yun.
A/N
Tumaas na naman ang balahibo ko dahil dito!!!!Sa ngayon wala na ang bahay na yun dahil sinira na siya ng malakas na bagyo na dumaan sa aming lugar! And thank God dahil hindi niya kami pinabayaan nung araw na yun
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...