•Disgrasya Sa Tapat Ng House And Lot For Sale•(Ito po yung sunod na nangyari nung namatay si lolo.)
Mga bandang ala sais na ay naisipan na ng mga tita ko at mama ko na bumili ng ilaw para sa lamay ng aking lolo.. Tinawag ni mama si kuya para siya ang magmaneho ng tricycle namin at pumayag naman si kuya.
Bali lima kaming nasa tricycle! Si mama,ako tapos yung tita ko.. Nasa loob kami nun ng tricycle and then si kuya naman yung nagmamaneho at nasa tabi niya lang yung isa niya barkada! Pinsan din namin siya.
Mabagal lang yung takbo namin pero nung pagtapat namin sa isang bahay na matagal ng ibinibinta tapos ang dilim-dilim pa ay bigla na lang preneno ng kuya ko yung tricycle dahil may dumaang isang batang babae na may dalang aso na hindi lang basta-basta aso yung nakita namin kasi mas malaki pa ito sa tao na ang haba-haba pa nito pero hindi namin inaasahan na umikot yung tricycle at sabay baliktad ito...
Akala ko nun patay na ako pero may bigla na lang akong narinig na boses na tila ba binabangon niya ako. Nung pagkamulat ng mata ko ay bigla ko na lang nakita ang isang matanda na siya palang gumigising sa akin.
Pinainom kami ng tubig ng mga taong nakakita sa amin! Mabuti na lang at mababait sila. Yun yung araw na hindi ko makakalimutan! Muli kung tinignan ang bahay at bigla na lang nagpatay sindi ang ilaw...
A/N
Grabe talaga yung experiece kung yun! Ngayon pangalawang buhay ko na'to sa lupa! Thank God kasi hindi niya kami pinabayaan:)
Still parin na wala pang bumibili sa bahay na yun kasi usap-usapang may kababalaghang nangyayari pa dun marami ng na aaksidente sa tapat mg bahay na yun....
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...