True Story 23

349 12 0
                                    


•Dugo•

Itong storyang ito ay galing sa aking tita na minsan daw ay nakaka-kita siya ng kakaibang misteryo na bumabalot sa kanilang bahay.

Isang gabi daw habang hinihintay niya yung asawa niya sa kanilang bahay ay naka-rinig daw siya ng isang sigaw galing sa labas. Akala niya yun na yung asawa niya kaya naman lumabas na siya ng bahay para sunduin siya ngunit na bigla na lang siya kung bakit walang tao daw sa labas at ang tahimik daw ng paligid.

Dahil sa takot daw niya ay muli ulit siyang pumasok sa loob ng bahay ngunit laking gulat daw niya ng bigla na lang daw nag karoon ng maramong dugo ang sahig at maging sa kisame daw nila.

Halos daw buong bahay niya ay puno daw ng dugo. Wala daw siyang nagawa kundi ang tumakbo sa kapit bahay nitong kapatid din niya at sinabi rito ang nakaka-takot na pangyayari sa kanyang bahay.

Pinuntahan daw yung bahay nila nung gabi ding iyon ngunit wala daw silang nakitang ni isang patak ng dugo. Sinabi ng tito ko na namamalik-mata lang daw yung tita ko ngunit alam daw niya ang nakita niya nung gabing iyon.

A/N
Hanggang chapter 30 lang po ito hindi ko na po ito pahahabain pa;)

Thank U pala sa mga nag babasa nito:)

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon