True Story 11

557 12 1
                                    


•Aninong Walang Ulo•

Naniniwala ba kayo na kapag walang ulo yung anino ninyo ay mamamatay kayo? Kung hindi pwes heto ang patunay na totoo itong pamahiin na'to... Nangyari ito sa tito ng kaibigan ko.

Si larry daw ay isang may ari ng palaisdan! Kapag hapon daw ay lagi niyang binibisita ang kanyang palaisdaan para pakainin ang kanyang mga alagang isda!

Meron siyang asawa at tatlong anak na pinapakain araw-araw at kayod kalabaw siya kung mag trabaho para lang makakain ng tatlong beses sa isang araw ang kanyang pamilya!

Isang araw daw ay nagpaalam si larry sa kanyang asawa na bibisitahin niya daw saglit yung palaisdaan nila! Hindi alam ng asawa ni larry na yun na pala yung huling makikita niya ng buhay ang kanyang asawa.

Lumipas na ang hapon ngunit hindi pa bumabalik si larry sa kanilang bahay kaya naman kinabahan na ang asawa nito..hindi niya na alam ang gagawin niya dahil sa tingin niya ay may nangyari ng masama sa kanyang asawa..

Naisipan ni aling nida na puntahan ang kanyang asawa sa kanilang palaisdaan! Kahit mag gagabi na ay walang takot na nag lakad sa madilim na daan si aling nida..basta ang alam lang niya ay makikita niyang ligtas ang kanyang asawa.

Nung pagkarating niya sa kanilang palaisdaan ay nakita niya agad ang kanyang asawa na naka-handusay sa lupa. Agad na tumakbo si aling Nida sa kinaroroonan ng kanyang asawa ngunit nung hawakan ni aling nida ang kanyang asawa ay isa na itong malamig na bangkay! Walang nagawa daw si aling nida kundi ang umiyak...

Inilibing na nun daw si Manong larry ng hindi pa alam ang dahilan kung bakit siya namatay! Ngunit merong albularyo ang nakilibing dito at mukhang kilala ito ni manong larry..lumapit ito kay aling nida.

"Namatay siya dahil nawala ang ulo ang kanyang anino! Posible pa siyang mabuhay kung mahahanap niyo ang kanyang ulo" sabi daw ng albularyo..

Ginawa daw iyon ni aling nida pero isang buwan na siyang nag hahanap ay hindi parin niya nahahanap ang ulo ng kanyang asawa! Hanggang sa tumigil na ito sa paghahanap ng ulo ng kanyang asawa...

Tinanggap niya na wala na ang kanyang asawa! Kinuha na siya ni lord pero naniniwala parin siya sa sinabi ng albularyo dito..

A/N
Katakot naman un!!!

Next UD ulit:)

See you!

By:DM_DreamLove

DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon