•Babaeng naka-kadena•Kwento po ito ng ninong ng kuya ko! Nakikinig kasi ako habang nagbabasa ng book:)
Si kuya Andy isang trabahador ng isang bake shop! May asawa at tatlong anak. 50 plus niya na ata?
Isang araw napadpad daw sila sa isang luma na bake shop ng manager nila! Mga tatlo silang nandoon na nagbabantay at gumagawa ng mga tinapay.
Habang masaya silang nag kwe-kwentuhan ay may bigla na lang silang narinig na kaluskus mula sa taas ng bubong ng bake shop! Akala ng mga barkada ni Uncle andy ay pusa lang na naghahanap ng pagkain ngunit nagtaka na si uncle andy sapagkat iba yung tunog na naririnig niya sa bubong. Muling umulit ang kaluskus at mas malakas pa ito kesa sa dun sa una. Nagkatinginan silang tatlo na para bang natatakot na sila sa mga nangyayari sa kanila.
Sinabi ni uncle andy na lalabas daw silang tatlo para makita kung ano ang nasa tutok ng bubungan ng bake shop!
Lumabas nga silang tatlo at dun nila nakita ang isang naka-puting babae na may kadena sa kanyang mga paa na tila ba ikinulong siya. At mas lalo silang nagulat nung umiyak yung babae at humihingi ito ng tulong. Wala silang nagawang tatlo kundi iwan ang bake shop.
Doon nila napagtanto na may ginahasa at pinatay doon na babae at ikanadena pa daw ito..
Hindi na muling bumalik pa sa uncle andy sa bake shop na yun sapagkat hanggang ngayon daw ay nagpaparamdam pa daw yung naka-kadenang babae.
A/N
Sasagap ulit ako ng kwento para may mae-update ako:)
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...