• SECOND HAND•This is my own story!
The names, characters, businesses, events and places are product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons,living or dead is purely coincidental..
-----------
Ako si Angel at isa akong call center agent kaya naman madaling araw na akong umuuwi sa bahay namin. 21 years old na ako pero wala pa akong asawa ngunit meron na akong nobyo at yun ay si kevin! Si kevin ay maalagang nobyo kaya naman inabot na kami ng 2 years dahil sa tiwala namin sa isa't-isa...masaya akong siya yung nakilala kung lalaki dahil sa alam ko ay wala ng matitinong lalaki ngayon.Heto ako pauwi na ako ngayon ng bahay namin at habang nag lalakad ako ay may bigla na lang akong nakitang kwintas sa isang jewelry shop na animo'y tinatawag ako nito para bilihin ko siya. Dahil sa naakit ako sa ganda nung kwintas ay pumasok ako dun at ito'y binili ngunit ang pinagtataka ko ay bakit parang ang mura nung kwintas eh ang ganda naman niya tapos parang galing pa siya sa US dahil sa kinang.
Laking pagtataka ko man ay binili ko na ito at umuwi na ako ng bahay! Pagpasok ko ng bahay ay inabutan ko si nanay na nagtatahi ng damit! Ako lang mag isa ang anak nila nanay kasi daw may sakit si nanay sa matris at swerte daw sila ni tatay kasi nagka-anak pa sila kahit merong sakit si nanay! Sabi din nanay na swerte daw sila kasi ang bait ko daw na anak:)
"Oh anak kumain kana" tawag sa akin ni nanay.
"Naku nay hindi na po kasi pinadalahan na ako ni kevin ng jollibee kaya busog na po ako" sagot ko.
"Ganun ba! Naku ang swerte mo sa lalaking yan kasi ni minsan hindi ka pa niya napapa-iyak! Wag mo na yang papakawalan pa kasi wala ng matinong lalaki ngayon" paalalang sabi ni nanay. Mukha namang relate ako sa sinabi ni nanay ah:)
"Oo nga po nay eh! Sige po magpapahinga lang po ako" sabi ko at agad na akong umakyat papuntang kwarto ko. Nung pag pasok ko sa kwarto ko ay agad kung isinuot yung kwintas na binili ko. Nung matapos kung na suot yung kwintas ay humarap ako sa salamin. Wow bagay sa akin ah:)
Humiga na ako sa kama ko at natulog na! Habang natutulog ako ay bigla na lang gumalaw yung kama ko kaya naalimpungatan ako.
"Ano yun?" Bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong sumilip sa ilalim ng kama ko at may nakita akong babaeng duguan ang mata at warak-warak ang katawan nito.
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh" sigaw ko. Lalabas na sana ako nung hindi ko mabuksan yung pinto! Habang pinipilit kung buksan yung pinto ay may bigla na lang tumulong dugo sa leeg ko at nung pagkaharap ko sa salamin ay ang mukha nung babaeng nasa kama ay nasa kwintas ko kaya bigla ko na lang itong ginuyod at itinapon.
"NAY TUULOOOONGG!!" Sigaw kung muli.
"Papatayin kita" sabi ng isang boses na nagmumula sa kwintas.
"Sino ka?" Tanong ko at may bigla na lang mukhang lumabas sa salamin at suot nito ang kwintas na binili ko. Parang naging semento yung paa ko dahil halos hindi ko na siya maigalaw.
"TIGILAN MO NA AKO!" Sabi ko at bigla na lang itong nawala! Ilang segundo lang yung lumipas ay bigla na lang akong tumilapon sa salamin kaya nabasag ito at dahil dun nagkaroon ako ng maraming sugat sa katawan. Maging ang mukha ko ay duguan dahil sa salamin na nabasag. Wala akong magawa kundi ang gumapang na lang dahil tinamaan din ang paa ko kaya nagka-sugat ako ng malaki sa paa.
"Ikaw ang nag suot kaya buhay mo ang bayad" nakaka-takot nitong sabi.
"NAYYY TULOOONGGG" Mas lalo ko pang nilakasan ang boses ko at bigla na lang bumukas yung pinto at si kevin ang bumungad sa akin embes si nanay.
"Love! Anong nangyari sayo" sabi nito na naiiyak na dahil sa naabutan niya.
"Tulungan mo ako love" sagot ko at bigla na lang akong nahimatay.
Ewan ko kung anong oras na akong natutulog pero nung pagka-mulat ng aking mata ay iba na ang kulay ng aking kwarto. Naging puti na ito!
"Salamat sa diyos at nagising ka na anak" sabi ni nanay na umiiyak. Nasa hospital pala ako dahil sa nangyari sa akin kanina. Naaalala ko parin yung mukha nung babae at tumataas ang balahibo ko dahil sa takot.
"Nay nasaan po yung kwintas?" Tanong ko.
"Nakita kung suot iyon ni Ana" sagot ni nanay kaya bigla na lang akong napa-upo dahil sa gulat.
"Hindi pwede" sabi ko.
"Oh anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" Tanong ni nanay at bigla na lang patay sindi yung ilaw. Nung pagka-sindi nung ilaw ay nakita ko si Ana na duguan ang buong katawan at putol ang dalawang kamay nito.
"Hindi" nangigilid na ang mga luha kung sabi.
"Anak! Anak! Anak ayos ka lang ba" sabi ni nanay na niyuyugyog pa ako dahil halos hindi ako maka-galaw. Nakita ko din na suot ni Ana yung kwintas na binili ko.
Pop!
From:Ana
Papatayin kita! Kasalanan mo ito Angel! Hayop ka! Papatayin kita! Papatayin kita!!!!Dahil sa gulat ko ay naitapon ko ang cellphone ko sa sahig at humagulhol na lang ako sa iyak.
"TIGILAN MO NA AKOOO" Sigaw ko. Bigla na lang dumating si kevin at niyakap ako kaya nabawasan yung kabang aking nararamdaman.
------
Isang buwan na matapos ang nakaka-kilabot na nangyari sa buhay ko! Isang buwan ng wala na si Ana sa tabi ko at isang buwan ng hindi nagpaparamdam ang babaeng naka-suot ng kwintas..Matapos naming nalaman na merong sumpa ang kwintas na nabili ko ay tinigilan niya na ako! Sabi din ng jewelry shop na pinagbilihan ko ng kwintas ay wala daw silang ganung brand na kwintas at hindi nila alam kung bakit iyong napadpad sa kanila.
Sabi ng albularyo na galing daw ang kwintas na yun sa isang mangkukulam kaya kung sino man ang nag susuot nito ay kinukuha niya ang buhay at Hindi lang daw ako ang nakapag-suot ng kwintas na yun kung hindi marami na daw ang nag suot nun at hindi na daw sila nabubuhay! Ang swerte ko daw kasi napigilan ko ang sumpa ng mangkukulam at kung hindi ko daw yun nagawa ay matagal na daw akong patay....
Dahil na din sa tulong ng aking magulang,kaibigan at lalong-lalo na si kevin ay nagawa kung lagpasan ang sumpa ng mangkukulam.
Ngayon pinaplano na namin ang kasal namin ni kevin at yun ang walang makaka-putol sa aming sumpaan habang buhay...
Hindi lahat ng magagandang bagay ay maganda kundi meron din itong epektong masama...
The End!
A/N
That's it:)Okay lang ba siya?!
I hope you enjoy:)
You can share your True Story!
Thank U(^O^)
By:DM_DreamLove
BINABASA MO ANG
DM_DreamLove True Horror Stories (COMPLETED)✔
TerrorStatus:COMPLETED✔ #69:Highest Rank In Horror Ito ang mga totoong pangyayari sa akin at sa ibang tao na nakaranas ng kakaibang misteryo at kababalaghan... Siguraduhin mong may kasama ka! Baka kasi siya na ang katabi mo... DM_DreamLove True Horror Sto...